☢️ CHAPTER 49☢️

9.5K 313 12
                                    

Ayokong mag-assume pero alam ko sa sarili. Hindi nagkataon na binigyan niya ako ng ganitong necklace tapos kinabukasan makikita ko itong nakapaskil sa isang malaking billboard para makita lahat ng mga taong dumadaan.

Napahawak ako sa kwintas na suot ko habang nakatingala sa billboard. Parehong-pareho talaga sila ng itsura maliban sa pangalan namin na nakaukit. Maybe the photo was taken before our names were engraved on them.

Sa hindi malamang dahilan, kusang gumalaw ang mga kamay ko at pinailalim ang kwintas hanggang sa natakpan ito ng suot kong uniporme.

Tinapunan ko ng huling tingin ang billboard bago nagpatuloy sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa hospital.

Napansin kong nagkukumpulan sina Neil, Alee at Mika sa isang dulo nang dumating ako. Mukhang abala silang tinitignan ang anumang pinapakita ni Neil sa phone niya.

Napansin ako ni Alee at sinenyasan akong lumapit sa kanila.

“Nakita mo na ba ‘to, Twilight?” tanong niya sa akin at pinakita ni Neil ang phone niya sa akin.

Napasinghap ako nang makita ang isang Facebook post na laman ang billboard na nakita ko kanina at may kasama itong caption:

Kung sino man ka man, Baby, patawarin mo na,hihi😍🥰
Sana all, Baby.😂

Napalunok ako at tahimik na ibinalik ang phone ni Neil.

“Ang sweet naman ng pag-sorry nito.” Kinikilig na sambit ni Neil. “Ako na lang sana itong baby niya.”

I suddenly felt annoyed. Hindi! Ako yan! Ako lang baby ni Krypton!

Napabuntung-hininga si Mika. “Hayts, sana ganyan din ka-sweet ang boyfriend ko.”

“Ang swerte naman ni Ate girl na tinutukoy dito.” Muling sabi ni Neil. “Saan ka makakahanap ng lalaking ipaglalandakan sa buong mundo na mahal ka at hindi takot mag-sorry.”

“I know right.” Napanguso si Mika.

“Tsk.”  Napailing si Alee. “Tama  na nga yan, wala kayong mahahanap ng ganyang lalaki. Ubos na sila, puro manloloko na lang ang naiwan sa mundo.”

Napatawa na lang kami sa bitter na tono ni Alee. As usual, she’s allergic to talks about romantic men.

Habang nasa duty, hindi ako mapakali at gusto kong tawagan si Krypton pero hindi pwede. Hindi ko alam kung tulog na siya, baka maistorbo ko. Also, international calls are expensive so I decided to take a risk and opted for a text.

Krypton? Gising ka ba?

Madaling araw na sa kanila sa ganitong oras pero gusto ko lang subukan kung gising pa siya

Ilang segundo ang lumipas nang tumatawag siya.

“Hey, baby.” Bati niya agad sa akin at namula ako. There’s that word again: BABY.

“Hi, Krypton.” Nahihiyang sabi ko at nagsisi na agad ako kung bakit ko siya tinext.

Hindi ko magawang tanungin sa kanya ang tungkol sa billboard. Baka naman nagkataon lang na ‘yun ang ginamit na picture at hindi lang naman si Krypton ang may endearment na baby. I suddenly feel embarrassed. Ang assuming ko naman.

“Is there something wrong?”

“Uhm.  .  . wala, namiss ko kasi boses mo.” Totoo naman pero hindi ito ang pangunahing pakay ko.

Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni Krypton. “I miss you more, Twilight. More than you ever know. By the way, did you see my other gift yet?”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now