☢️ CHAPTER 25☢️

10.6K 323 11
                                    

Ilang minuto pa ay inihinto ni Manong Driver ang sasakyan sa harap ng hospital. Nagtungo agad ako sa lobby kung saan nakita ko si Alee na hinihintay ako.

“Twilight, sigurado ka bang kaya mo?” nag-aalalang tanong niya sa akin na tinutukoy ang binti ko.

Nginitian ko siya. “Okay lang. Kaya ko naman.”

“Samahan na kita.”

“Huwag na, Alee. Nakaduty ka.”

Nagkibit balikat siya. “Andun naman sina Neil. Tsaka saglit lang naman.”

Hinawakan niya ako sa braso. “Tara na. sasamahan kita. Baka kung ano pang mangyari sayo, papatayin ako ni Krypton. Ay oo nga pala, hindi mo pinaalam sa kanya. Gaga kaba?”

Now that she mentioned Krypton, I began to feel nervous. Pero wala akong oras para kabahan ngayon, kailangan kong makausap si Kent at nang makabalik na agad ako sa penthouse. Nagi-guilty ako sa pag-alis ko nang hindi nagpapaalam kay Krypton.

Bumuntung-hininga na lang ako at nagsimula na kaming maglakad papunta sa room ni Kent.

Nahanap agad namin room niya dahil may dalawang pulis na nakabantay sa labas ng kwarto niya. Nakilala ako ng isa dahil siya ang nag-interview sa akin noong isang araw na sinimulan nila ang pag-imbestiga kay Kent.

“Dito ka muna sa labas, Alee.” Sabi ko sa bestfriend ko.

“Sigurado ka?” nag-aalalang tanong niya sa akin. Pinisil ko ang kamay niya at tumango.

Humugot ako ng malalim na hininga bago pumasok sa kwarto.

Umangat ang tingin ni Kent nang pumasok ako. Nakahiga siya at nakaposas ang isang kamay sa riles ng kama.

Bakas ang pagkagulat sa mukha niya at isang maliit na parte sa akin ang naawa sa kalagayan niya.

He looks like shit. His face is swollen probably from the beatings he received from Krypton.  Madaming nakakabit sa katawan niya at may  mga bakas ng sugat sa sulok ng labi niya. Puno ng galos ang isang side ng mukha niya at bakas ang sakit sa pagmumukha niya.

Tahimik akong umupo sa upuan na medyo malayo sa kanya pero sakto lang ang lapit para marinig niya ako ng maayos.

“Bakit mo ginawa yun, Kent?” diretsong tanong ko.

Mismong ako ay nagulat sa kalmadong boses ko kahit na naiiyak na ako sa galit na umuusbong sa kaibuturan ko. Gusto ko siyang sigawan at sumbatan sa lahat ng ginawa niyang pagloloko at pagsisinungaling lalo na sa ginawa niya na muntikan na kaming bawian ng buhay. 

Hindi niya ako sinagot at ibinaling lang ang mukha niya sa kabilang banda upang makaiwas ng tingin.

“Kent.  .  .  ” mahina kong tawag sa kanya pero hindi pa rin siya tumitingin. Gustuhin ko mang magalit, may parte sa isipan ko na nagpipigil sa akin. “Kent, I’m sorry and thank you.”

Pagkasabi ko nun ay bumalik ang tingin niya sa akin at gulat akong tinitigan. Maybe he didn’t expect me to say those things.

“I’m sorry sa ginawa ko nuon sa papa mo. Hindi ko ginusto na may namatay nang dahil sa akin kahit na nagsinungaling ka sa pagkamatay niya,” Mas lalo siyang nagulat at nagtaka kung paano ko nalaman ang totoong dahilan ng pagkamatay ng ama niya.

“Pilit ko pa ring iniintindi kung paano mo nagawa ang lahat ng ito. Bakit pinili mong idaan sa ganito? You chose to live your life with hatred and thirst for vengeance these past years. Kung gusto mo ng katarungan sa pagkamatay ng ama mo, you should have done this through legal actions but you didn't. Kaya ito lang masasabi ko, ang batas na ang bahala sa atin. Kung sa tingin mo responsable ako sa pagkamatay ng ama mo, I will submit myself to proper investigation and so should you.”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now