☢️CHAPTER 4☢️

19.4K 471 35
                                    

Hindi ako umimik ng ilang segundo habang nakatingin lang sa kanya.

He's inviting me to a dinner tomorrow?

"Duty ko bukas." Umiwas ako ng tingin. Alam kong day-off ko bukas pero wala akong ibang maisip na pwedeng dahilan to turn down his invitation.

Napasinghap ako nang bigla siyang yumuko at inilapit ang bibig sa may tainga ko hanggang sa maramdaman ko ang mainit niyang paghinga na dumadantay sa leeg ko.

"Twilight, alam kong off mo bukas. You better be ready tomorrow. We'll be having dinner whether you like it or not."

Napaatras ako sa gulat. "Paano mo nalaman na off ko?"

"I have my ways." Nakangising sagot ni Krypton at pasimpleng naglakad papunta sa sasakyan ko. Binuksan niya ang pinto at tinignan ako.

"Get in. You need to get home and rest for tomorrow."

I glared at him bago ako naglakad papunta sa sasakyan ko. Syempre sasakyan ko 'to. No need for him to order me around.

Padabog akong pumasok at malakas na isinara ang pinto. Hindi ko na siya pinansin pa at mabilis na humarurot paalis. Napatingin ako sa side mirror ko at nakita kong pumasok na rin si Krypton sa sasakyan niya.

I should be thankful to him. Without his help, baka nasa kalsada pa ako ngayon at delikado since malapit nang maghatinggabi.
Pero kasi, nakakainis na siya. Hindi ko alam kung ano ba talagang trip niya sa buhay.

Masyadong malakas yata pagkabangga ko sa kanya nung isang gabi. Baka naalog ang utak niya. I admit creepy siya nung una ko siyang nakita sa bar and now, after his shocking confession last night, I'm more convinced that he's dangerous.

Something about him bothers me. He has that aura na bumabalot sa buong pagkatao niya na hindi ko pa masyadong matukoy kung ano yun.

I sigh. Bahala siya bukas. Wala akong balak pumunta sa pa-dinner niya. Matutulog lang ako at manonood ng Kdrama kesa sa mag-dinner kasama siya.

Pagdating ko sa apartment ko, nag shower na ako at humiga sa kama. Pinikit ko na ang mga mata ko pero ang utak ko lumilipad pa rin at napadpad sa isang taong ayaw ko na sanang isipin.

Napahawak ako sa kwintas ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin mawala sa isip ko kung paano niya tinitigan ang kwintas na 'to nung una kaming nagkita. There was something there in his eyes the moment he ladi his eyes on my necklace.

At ngayon, gusto niya kaming magdinner bukas, actually mamaya pala since 1 AM na. To be frank, ayokong pumunta at wala akong balak makita pa siya ulit.

Hindi naman niya alam kung saan apartment ko kaya there's nothing to worry about. Pero wait, nalaman niya na off ko bukas and he said he has his ways. Paano kung alam pala niya address ko? Paano kung nasundan pala niya ako kanina?  Ano ba pala trabaho niya?

Aissh. Tama na nga, Twilight. Tulog na, manonood ka pa ng Kdrama mamaya.

Huminto na ako kakaisip at pinilit matulog.

11 AM na nang magising ako dahil sa gutom.   Naghilamos ako at lumabas para bumili ng pagkain sa pinakamalapit na restaurant. Maghapon lang akong kumain habang pinapanood ang bagong Kdrama ni Lee Minho.

Malapit nang mag-alasais nang matapos ko ang last episode at naligo na ako. Nasa loob ako ng banyo at patapos nang maligo nang bigla akong makarinig ng pamilyar na boses sa sala ko.

Wait, is that my Mom talking? Don't tell me she's here?

Binilisan kong kinuha ang bathrobe ko at sinuot bago lumabas ng banyo.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now