☢️ CHAPTER 53☢️

12.7K 300 20
                                    

Six months later.

Tahimik pero nag-uumapaw sa saya akong nakatitig sa salamin habang suot ang puting gown na pinaghandaan ng isang kilalang designer sa loob ng ilang araw.

Sa wakas dumating ang araw na ito. Ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw na magmamarka sa panibagong kabanata ng aking buhay. Ang araw na may dudugtong sa pangalan ko.

Dahan-dahan kong hinaplos ang mamahaling tela ng suot kong gown at hindi mapigilang maging emosyonal. Parang ang bilis ng panahon simula nung inaya akong magpakasal ni Krypton.

Of course I said yes, how can I say no when I love him so much even with his excessive behaviors. Hindi kami kinasal agad at nirespeto niya ang desisyon kong   bigyan ako ng panahon para makapaghanda. Alam ko sa sarili ko na siya ang gusto kong makasama habambuhay pero kinailangan ko ng panahon para ihanda ang sarili sa malaking hakbang na ito sa buhay ko.

At ngayon, handa na akong harapin ang altar katabi si Krypton, my Krypton Knight.

Sa loob ng ilang buwan, patuloy siyang nagbabago at unti-unti naming naiintindihan ang bawat isa. It's a give-and-take relationship between us.

Sinunod namin ang pangako sa isa't isa na walang anumang sikreto sa pagitan namin. We communicate openly with each other sa anumang bagay, maliit man o malaki dahil dito namin nalalaman ang saloobin ng bawat isa.

Meron at meron pa rin ang pagkapossessive at obsession niya sa aking kalagayan pero hindi na ganoon kagrabe gaya noon. Nakatulong ang lagi kong pagpapaalala sa kanya na mahal ko siya at hinding-hindi ko siya iiwan. He needs to hear those words from me to be assured of my love for him.

Para naman sa kanya, unti-unti niyang natutunang pagkatiwalaan ako at ang kakayahan kong tumayo sa aking sariling paa. Natututunan niyang limitahan ang pagiging possessive niya.

Malaking bagay ang tiwala namin sa isa't isa. We both compromised and it made our bond stronger. I'm learning to lean onto him at times when I can't do it on my own and he's learning when to put his obsession in check.

At ngayon, narating namin ang puntong ito ng aming buhay.

The make-up artist did a very good job enhancing my face without overdoing it. My hair is neatly fixed in a bun to give emphasis on my face.

Biglang bumukas ang pintuan at  sa pamamagitan ng salamin sa harapan ko, nakita kong pumasok si Alee na nakasuot din ng gown dahil siya ang Maid of Honor.

"Whoa, Twilight!" Napasinghap ang best friend ko nang makita niya ang kabuuang itsura ko. "You're the bride of the year."

Napatawa ako sa exagge na pagkalarawan niya sa akin. "Thank you, Alee pero kinakabahan ako."

Umikot ang mata ni Alee. "Sino bang hindi kinakabahan kapag kinakasal? It's basically a lifetime sentence so yeah," she shrugged her shoulders, "you should be nervous."

"Alee naman eh!" Ngumuso ako at tumawa siya bago niya hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Twilight," her voice became serious and no trace of humor can be found in her eyes but sincerity. "this will be the best day of your life at walang sapat na salita para masabi ko kung gaano ako kasaya at narating mo ang parteng ito ng buhay mo."

Her eyes became hazy as tears of joy are formed. "You walk down that aisle and be the bride that you are today. Ikaw ang pinakamaganda ngayon kaya husayan mo ang pagrampa patungo sa groom mo. Normal lang na kabahan ka dahil napakaimportante ng araw ito para sayo pero kalma ka lang, okay? I know you can do this, ikaw pa."

Isang ngiti ang binigay niya sa akin at kahit papaano, nagawa niyang bawasan ang kabang nararamdaman ko. It means so much to me that Alee is here for me as she has always been. Kahit na bitter siya sa usapang pag-ibig, nagagawa pa rin niya akong bigyan ng mga mature advices na talga namang may sense.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now