☢️ CHAPTER 14☢️

11.1K 332 8
                                    

Napatigil kami sa pagsasayaw at nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na yun.

Aissh.

Madilim na nakatitig si Krypton habang nakatayo ilang metro mula sa kinatatayuan namin ni Kent.

"K-Krypton, bakit ka andito?"

"Tinatawagan kita kanina pa pero hindi ka sumasagot."

Tumingin ako sa table namin na kung saan andun ang bag ko. "Uh, naka-silent ang phone ko."

Humakbang siya palapit at nagliliyab ang mga mata niyang bumaling kay Kent.

“Now get your f*cking hands off my girl.”

Para akong nakuryente at mabilis kong tinanggal ang kamay kong nakapatong sa balikat ni Kent at umiwas ng tingin

Why do I feel guilty?

Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Krypton sa pulsuhan ko at hinila ako palapit sa kanya.

“I’m taking her me with me.” matigas niyang sabi kay Kent at napasinghap ako sa narinig kong galit sa tono nito.

"Let's go, Twilight." Hinila niya ang kamay ko pero napahinto ako nang hawakan din ni Kent ang kabilang kamay ko.

"Twilight, alis ka na talaga?"

Nakokonsensiya kong tinignan si Kent na nangungusap ang mga mata niya. I feel guilty and sorry for him.

Bumaling ako kay Krypton at lumunok bago nagsalita. "Uhm K-Krypton.  .  . pwede bang---"

"Hindi pwede. Alis na tayo, Twilight." Hindi niya ako pinatapos at matalim niya akong tinignan.

"Pero, Krypton, birthday niya ngayo---"

"I don't f*cking care!" napaigtad ako sa pagtaas ng boses niya at naramdaman ko ang pagtingin ng ibang bisita sa gawi namin.

Nahihiya akong napapikit at naghangad na lamunin na ako ng lupa. I can only imagine how we look so scandalous at this moment with Krypton and Kent holding each of my wrist. Sigurado akong nagmumukha kaming nasa isang love triangle at pinag-aagawan nila ako.

Gustuhin ko mang manatili pa, ang galit na mukha at tono ni Krypton ang pumipigil sa akin. Sa iilang araw na nakilala ko siya, ngayon ko lang siya nakitang ganito galit at natatakot ako sa maari niyang gawin kung hindi ako sasama sa kanya ngayon din. I wouldn't want to cause a scene here.

"Kent," mahinahon kong tawag sa kanya. Sinubukan kong hilahin ang kamay ko mula kay Krypton para sana maayos na magpaalam kay Kent at mayakap siya bago kami umalis pero
pero mas hinigpitan ni Krypton ang pagkahawak sa pulsuhan ko.

Napabuntong-hinga na lang ako. "Kent, I'm sorry." Nakita ko ang pagbagsak ng balikat niya at dahan-dahan niyang pinakawalan ang kamay ko. "Sorry talaga Kent, kailangan muna naming umalis."

Ngumiti si Kent pero alam kong pilit lang iyon. "Okay lang, ingat kayo."

With that, hinila ako ni Krypton sa table namin para kunin ang bag ko. Hindi pa rin pinakawalan ni Krypton ang kamay ko pagkalapit namin sa table.

"Hi Krypton!" masayang bati ni Neil na parang hindi niya napansin ang galit na aura ni Krypton. Tinanguan lang siya ni Krypton at wala itong imik. "Salamat sa charms mo Krypton, at ikaw ang napili ni Twilight. Kung hindi, e talo ako sa pustahan."

"H-ha?" takang tanong ko." Anong pinagsasabi mo, Neil?"

Nagkibit-balikat lang si Alee at si Mika naman ay nagmamaktol na kinuha ang basong puno ng alak na iniabot sa kanya ni Neil. Pipigilan ko na sana siya pero diretso niya itong ininom at pumalakpak naman si Neil.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now