☢️ CHAPTER 30☢️

11.4K 349 8
                                    

Pagpasok namin ni Alee sa Zoela, andun na ang ibang kasamahan namin at kami na lang ang hinihintay.

“Whoa, pinayagan ka ng boyfriend mo, Twilight?” manghang tanong ni Mica sa akin nang makita niya ako.

“Not actually pinayagan pero na-inform ko siya na lalabas ako ngayong gabi.” Sagot ko sa kanya bago umupo sa tabi niya.

“Buti ka pa. Ako, isang oras akong nagmakaawa sa boyfriend ko na payagan ako.” pagmamaktol ni Mica at napailing na lang ako nang  biglang sumabad si Neil na nakaupo sa kaliwa ko sabay siko sa akin.

“Ano, Twilight, kumusta ang buhay ngayong magkasama kayo sa iisang bahay ni Krypton?" Nangungutya ang tono niya. “May nangyari na sa inyo ‘no? Naka-home run na ba? Ayiee!”

“Yieee!”

Sinabayan naman siya ng mga kasamahan ko  at naghihiyawan na sila habang tinutudyo ako. Napatingin ako kay Alee pero nagkibit balikat lang siya at nakisama sa hiyawan.

Marahas akong nabuga ng hangin at kahit papaano, nagpapasalamat ako sa madilim na paligid dahil naitatago nito ang namumulang mukha ko. Kung alam lang nila na muntikan nang maka-home run si Krypton.  .  . Aissh.

Tumikhim ako at napatahimik sila. “Guys, ‘wag ang love life ko pag-usapan natin. And excuse me, wala pang nangyayari sa amin ni Krypton.”

“Wala pa? So may balak kayo?”

Madilim kong tinignan si Neil na nakangiti ng nakakaasar.

“Hindi ganon ang ibig kong sabihin, Neil. Tsaka huwag nga ang buhay ko ang pag-usapan natin. Ano, kumusta na duty?”

Thankfully, pinakinggan naman nila ako at nagsimula silang magkwento at mag-rant sa mga naging karanasan nila noong wala ako sa trabaho.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila at pinapakinggan silang maglabas ng mga saloobin nila. Nakakagaan din sa pakiramdam na makalabas kasama silang mag-inuman kagaya ng dati. Nami-miss ko na din mag-duty kasama sila. Hindi pa kasi ako pinapayagan ni Chief na bumalik sa trabaho hanggang next week para daw makapag-recover ako ng mabuti.

Nakailang bote na kami nang naisipan naming samahan si Neil sa dance floor na naunang bumaba at nakikipagsayawan sa kung sinumang gwapo dun.

“Sa CR lang muna ako. Mauna na kayong sumayaw.” Paalam ko sa kanila bago ko kinuha ang purse ko at naglakad papuntang CR.

Pagkatapos umihi, chineck ko ang phone ko at halos lumuwa ang mata ko nang makita ang madaming text messages galing kay Krypton. Ilang beses na din siyang napatawag pero nai-silent ko pala.

Y the hell are you there?

Sinong kasama mo?

Damn it Twilight! Answer your phone!

Call me back once you read this. ASAP!

I’m coming over to get you. Stay there n don’t go anywhere.

Nanlamig ang kamay ko sa huling text niya na 7 minutes ago  ko pa na-receive.

Akmang tatawagan ko na siya nang biglang huminto ang tugtog sa loob ng bar at tanging katahimikan ang bumalot sa buong paligid. Nagtataka akong lumabas ng CR at nagulat ako nang makitang huminto na sa pagsayaw ang mga tao at nakatuon ang pansin nila sa harapan kung saan naroroon ang DJ.

Oh, shit.

Napanganga ako nang makita si Krypton na nasa tabi  ng DJ na nakatulala sa kanya. May lumapit na bouncer para pababain si Krypton pero tinabig niya ito at tinapunan ng madilim na titig.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now