☢️ CHAPTER 9☢️

12.4K 296 31
                                    

Napatakip ako ng bibig at hindi makapaniwalang tinignan ang tao sa harap ko.

Twilight ako 'to. Yung nagbigay ng necklace na yan sayo.

Naluluhang tinignan ko siya bago ko siyang niyakap ng mahigpit. Finally, after all these years! Kuya K.  .  .

Naramdaman ko siyang yumakap pabalik and we stayed like that for a few moments bago ko siya pinakawalan.

"P-Paano? I mean, I-oh my gosh. I'm so happy. Hindi ako makapaniwala." naluluhang sabi ko sa kanya. God knows how much I've longed to see him, how much I've been hoping all these years that someday, magkikita muli kami. So many questions are running around my mind right now that I don't even know what to ask first.

"Twilight."

Napatingin ako kay Alee na tinawag ako. She looked at the man infront of me and frowned.

"Teka lang ha," pagpapaalam ko kay K at pinuntahan si Alee.

"Sino yun? At bakit may payakap pa kayo?" tanong agad ni Alee.

"Siya yun, Alee!"excited kong sagot sa best friend ko. "Si Kuya K!"

"Ha? Seryoso?"

"Oo girl!" napatili ako ng mahina sa sobrang saya. Alam ni Alee ang kwento namin ni K at nakasubaybay siya kung paano ako umasa at pinaghandaan ng araw na ito na magkikita kami muli.

"E ano pang hinihintay mo, Twilight? Alam kong madami kayong pag-uusapan kaya mauna ka na." Tumingin si Alee sa orasan niya. "Five minutes to 7 na. Ako na ang bahalang mag-endorse at ihanda mo na gamit mo para makapag-out ka na."

Malapad ang ngiting tinignan ko ang best friend ko at niyakap siya. She's really my bestfriend.

"Thanks, girl."

Pumasok na agad ako sa staff room at inihanda ang mga gamit ko. Nag-ayos na din ako ng konti bago excited na lumabas.

Pagkalabas ko, nakita kong kinakausap ni Neil si K at panay ang ngiti nito sa kanya.

Aissh.

Lumapit ako at pumagitna sa kanila.

"Neil, una na kami ha." baling ko kay Neil at napasimangot siya. Hindi ko na hinintay sagot niya at hinila ko na paalis si K.

"Gusto mo bang magkape muna tayo?" tanong ko kay K pagkalabas namin ng hospital at pagkatapos kong mag-out.

"Sure." Tumango si K. "Pero sure ka ba na okay lang? I mean, kagagaling mong duty, dapat magpapahinga ka na sana."

Napatawa ako ng mahina. "Ano ka ba?  Matagal kong hinintay ang araw na ito na magtagpo ulit tayo kaya okay na okay kahit ipagpaliban ko munang matulog ngayon." Kahit na puyat ako, mas nangibabaw ang kagustuhan kong makakwentuhan si K.

Napagsunduan naming magkape sa cafe located just across the street at harap lang ng hospital's exit. We selected a table near the window at umupo na ako habang si K ay umupo sa kabilang upuan na kaharap ko. Pagkatapos naming mag-order, coffee for him and hot milk for me, bumaling agad ako kay K at naluluhang nginitian siya.

"I can't believe nasa harap na kita." sabi ko sa kanya. "Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko ngayon."

Ngumiti pabalik si K. "Ready akong sagutin lahat."

"Bigla ka kasing nawala after nung gabing yun at hindi na kita mahanap.  Kahit sa police records, sabi nila confidential ang case na nangyari sa atin kaya wala akong makuhang impormasyon tungkol sayo. K lang kasi ang sinabi mong pangalan mo kaya ayun, nahirapan akong hanapin ka. Ano pala ibig sabihin ng K?"

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now