☢️ CHAPTER 36☢️

9K 282 18
                                    

“Twilight?”nagtatakang tanong agad ni Alee pagkasagot niya sa tawag ko pagkatapos ng ilang ring. “Anong oras ba? Ba’t ka napatawag?” halatang nagising ko siya and I feel sorry about it but I have no choice at the moment.

“Alee, pasundo ako.”

“Ha?! Pinagsasabi mo?” Her voice is wide awake now. “May nangyari ba? Asan ka ba ngayon? Diba nasa bahay ka ni Krypton? Ano bang—”

“Please, puntahan mo na ako.” Pigil-iyak kong sabi sa kanya.

“I’m coming, Twiilight. Hintayin  mo ako.”

True to her words, dumating agad siya pagkalipas ng ilang minuto. Dinig ko ang busina ng sasakyan niya sa labas ng gate kaya lumabas na ako ng bahay. Pero bago ako lumabas, iniwan ko ang phone ko sa kwarto.

Dali-dali akong naglakad patungo sa gate at nag-iisip ng kung anong sasabihin na palusot kay Manong Guard para pagbuksan ako ng gate at hayaang makaalis.

At the same time, I feel pathetic that I cannot even go out on my own when I want to because of Krypton’s strict security orders. Kinakabahan ako habang palapit sa guardhouse na katabi ng malaking gate pero laking gulat ko nang walang taong sumalubong sa akin para pahintuin ako. Doon ko napansin na nakabukas ng kaunti ang gate at hindi nakasara ng maayos. Wala din katao-tao sa guardhouse.

Oh, thank God! Napabulalas ako at saglit akong nakahinga ng maluwag. Whatever is the reason for this negligence, I’m so thankful at the moment.

Agad kong lumabas at pumasok agad sa kotse ni Alee.

“Alee, tara na! Pakibilisan please!” kinakabahang utos ko sa kanya sa takot na baka biglang sumulpot si Manong Guard at makita niya kami. Paniguradong makakarating agad ito kay Krypton kung mahuli kami ni Manong Guard at ayokong mangyari iyon. I want to get away from him and I don’t have the courage to face him after what I saw and heard.

“Okay ka lang, Twilight?” tanong ni Alee makalipas ang ilang sandali at medyo nakalayo na kami sa bahay ni Krypton.

Tumango ako at huminga ng malalim para kumalma. Umayos ako ng upo at pinaharap ang dala kong bag para mayakap ito.

“Twilight, ano bang nangyayari? Bakit may dala kang bag? At bakit ganitong oras—” napatigil siya nang humikbi ako.

Dali-dali niyang inihinto ang kotse sa gilid at humarap sa akin. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para mas makita niya ako ng maiigi.

Pinailaw niya ang ilaw sa loob ng kotse at wala na akong nagawa nang makita niya ang basa at magang mga mata ko.

“What the hell, Twilight?! Anong ginawa sayo ni Krypton?! I swear, if that asshole made you cry like this—”

“Kasalanan ko, Alee.” Malungkot na saad ko. Totoo naman, kung hindi ko lang tinago sa kanya ang tungkol sa amin ni Ericsson, baka hindi nagkaganito.

“Ano?” naguguluhang tanong ni Alee.

Bago pa ako magpaliwanag, inunahan ako ng iyak at hindi ko maituloy ang sasabihin ko. The guilt, the overwhelming hurt, and the regret is too much that my tears are falling again uncontrollably.

Tinanggal ni Alee ang seatbelt niya at niyakap ako ng mahigpit. “Andito lang ako, Twilight.” Bulong niya sa akin habang hinahagod ang likod ko.

Ilang minuto akong umiyak sa balikat niya at nang nakatahan na ako, sinimulan kong ikwento sa kanya ang nangyari.

“Ano?! Ikinasal kayo ni Ericsson?! Totoo ba ‘to? Like, what the heck?! Paano nangyari ‘yun? Ba’t hindi ko alam?” nagsisimula pa lang akong magkwento pero gulat na gulat na si Alee sa naririnig niya  “At may marriage certificate pa talaga?”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now