☢️ CHAPTER 38☢️

10.1K 292 30
                                    

Isang pamilyar na ceiling ang una kong nakita nang magising ako. I'm on a large bed and my hand feels warm.

Nagulat ako nang mapansin ang kanang kamay ko na hawak-hawak ni Krypton habang nakapikit ang mga mata niya at nakaupo sa isang upuan na nakaposisyon malapit sa tabi ng kama. His elbow is propped on the arm rest and one side of his face is supported by his palm.

My breathing hitched at the sight of him. His hair is messed up and he has dark circles under his eyes. Pero kahit ganon, nag-uumapaw pa rin ang kagwapuhan niya.

Habang tinititigan ko siya, hindi ko na maitanggi sa sarili ko na namiss ko siya kahit na isang gabi kaming hindi nagkita.

Gusto kong haplusin ang pisngi niya kaya dahan-dahan kong iginalaw ang kamay kong hawak niya pero sa kaunting paggalaw ko, bumukas agad ang mga mata niya.

Nagtama ang mga mata namin at pakiramdam ko pwede na akong mabingi sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. May ibang intensidad sa mga mata niya at nakakakaba na makita na siya mismo pagkatapos ng ginawa kong paglayas sa bahay niya.

Hinigpitan niya ang paghawak sa kamay ko at umayos ng upo.

"Hey, baby." Mahinahon niyang tawag sa akin. "How are you feeling? Are you okay? You fainted due to hunger and. . . emotional stress."

Humina ang boses niya sa huling salita. If I'm not wrong, he's feeling guilty and ashamed.

"I'm fine." Sagot ko at sinubukang bumangon. Mabilis pa sa kidlat na tumayo si Krypton at inalalayan akong bumangon at umupo kahit kayang-kaya ko naman. Nilagyan niya ng malaking unan sa likuran ko para mas komportable ako sa pag-upo.

"Pahingi ng tubig." Mahinang sabi ko at agad na gumalaw si Krypton. May kinuha siya sa mesa na katabi ng kama at doon ko napansin na may tray ng pagkain na nakapatong sa mesa.

Sa sobrang uhaw ko, hindi na ako nakatanggi nang mismong hinawakan ni Krypton ang baso ng tubig at inilapit ito sa labi ko. Gently and with utmost care, he tilted the cup to my lips and I uncomfortably drank from it.

Pagkatapos kong uminom ng tubig, napatingin ako sa tray ng pagkain at nakaramdam ng matinding gutom.

"You need to eat. Here, let me." Kinuha ni Krypton ang kutsara at kumuha ng pagkain bago niya ito inilapit sa bibig ko.

Napaatras ang mukha ko sa ginawa niya. Susubuan niya ako?

"Krypton, kaya ko namang humawak ng kutsara at pakainin ang sari-"

"Just please eat, Twilight."

Hindi na ako umangal pa at tinanggap ang pagkain dahil sa sobrang gutom. Late kaming gumising ni Alee kaninang umaga at hindi pa kami nag-agahan dahil biglaang tumawag si Chief. Speaking of Alee-

"Si Alee!" I gasp. Bigla kong naalala na kasama ko siyang pumunta ng hospital kanina.

"Don't worry about her. She's in the living room." Kalmadong sagot ni Krypton at sinubuan ulit ako.

"Ha? Ba't siya andito?"

"When you fainted, I rushed you to the Emergency Room and I ran into her when she was looking for you. The doctor allowed me to take you home for bedrest. Ayaw ng bestfriend mong iuwi kita pero wala siyang nagawa kundi sumama na lang para daw masiguro niyang ligtas ka." Malungkot ang mga mata niyang tumingin sa akin. "What did you tell your bestfriend that she would even question my ability to protect and keep you safe?"

Napatigil ako sa pag-nguya at napatingin sa mga daliri ko. Concerned lang si Alee sa kalagayan ko pagkatapos ng ikinuwento ko sa kanya.

"Never mind that." Sabi ni Krypton nang hindi ako sumagot. "Answer me later. Kumain ka muna."

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now