☢️CHAPTER 2☢️

24.5K 502 60
                                    


Nakasuot na siya ng black suit kaya mas lalong kita ang makisig niyang katawan. Nakabulsa lang ang dalawang kamay niya at tahimik na tinititigan ako. Shems ang creepy talaga. Umiwas ako ng tingin at napansin kong may kasama siyang lalaki na may hawak ng isang folder.

“Uh, yes po. Ano pong kailangan nila?” I finally found my voice and spoke up.

“Miss Twilight Dane Medina?” malamig na tanong ni Mr. Creepy.

Nagkatinginan muna kami nina Alee at Mika bago ako sumagot. “Yes po. Ako po yun. Bakit po?”

“Follow me.”

“Po?” akma na sana siyang tatalikod pero tumigil siya nang hindi ako sumunod. Why would I follow him? And to where?

Biglang nagsalita ang lalaking kasama ni Mr. Creepy. His secretary, I presume or assistant.

“Huwag po kayong mag-alala. May itatanong lang po si Mr. Ferrante kay Ma’am Twilight.”

Ah so Mr. Ferrante, huh? Fancy family name.

“Eh bakit hindi na niya tanungin dito?” tanong ni Alee.

“I need some privacy.” Biglang saad ni Mr. Ferrante at seryosong tumingin sa akin. “Kakausapin lang kita about sa kwintas na suot mo.”

Napahawak ako sa kwintas ko. Anong meron sa kwintas ko? Magsasampung taon na itong nasa akin at napaka special nito sa akin.

“Hindi ko ito isasangla.” Matatag kong sabi at napakunot ng noo si Mr. Ferrante.

“Do we look like we’re pawnshop owners?”

Oo nga naman. Hindi naaman sila mukhang tiga-bantay ng sanglaan. Tumalikod na si Mr. Ferrante at napatingin ako sa assistant niya.

“Sige na po Miss Medina. Pakisundan na lang po si Sir.”

“Huwag, Twilight. ‘Wag kang aalis.” Protesta ni Alee.

“True, Mamsh. Hindi natin yun  kilala.” Pagsang-ayon naman ni Mika.

I sigh. Tama sila pero mukhang may alam si Mr. Ferrante tungkol sa kwintas ko and if that’s the case, I need to talk to him.

“Balik ako agad.” Naglakad na ako papunta sa kung saan nagtungo si Mr. Ferrante. Narinig ko na lang ang pagbuntong hininga nila Mika at Cath pero hindi ko na muna pinansin. Wala naman sigurong mangyayaring masama diba?

Sinundan ko si Mr. Ferrante na nakatayo sa dulo ng garden sa labas ng building. Napili niya talaga ang spot na ito kung saan wala masyadong dumadaan na tao.

“How long have you been wearing that necklace?” tanong niya agad nang makalapit ako. Humarap siya sa akin at seryoso ang mukha niya at walang bakas na pagbibiro. May malalim na emosyon na bumabalot sa mga mata niya.

“Bakit ka ba interesado sa necklace na ito?” I dropped the ‘po’ at iniwasan ang tanong niya. “And sino ka ba?”

“Krypton Knight Ferrante. Now, sagutin mo ang tanong ko.”

Napataas ako ng kilay. Taray ng pangalan. Bigla siyang naglakad palapit sa akin kaya naman napaatras ako ng bahagya.

“Twilight Dane, since when did you have that necklace?”

Umiwas ako ng tingin. “Uhm since Grade 6.” Hinding-hindi ko makakalimutan kung kailan ko nakuha ang necklace na ito. It holds a special place in my heart.

Napahinto siya sa harapan ko at napatingin ako sa mukha niya. He looks like he’s thinking about something inside his head.

Magsasalita na sana ako nang bigla kong narinig ang siren ng ambulansya na papalapit. Tanaw ko ang Emergency Room mula sa kinatatayuan namin at nang ilabas nila ang pasyente mula sa ambulansya, napansin kong dumudugo ang balakang niya at pati yung isang hita niya. Shems! Mukhang VA ito. Siguradong ipapa-x-ray nila.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz