☢️ CHAPTER 16☢️

11.5K 312 20
                                    

“Happy 27th birthday ulit, Kent.”

Yun ang statement ni Neil na ikinabahala ng isipan ko.

He’s .  .  . 27.  .  ?

No way.

I’m 22 and he’s 27?

"Mas matanda ako sayo ng tatlong taon. Pero huwag mo akong tawaging kuya. Nakakatanda masyado."

This is what I remember from ten years ago.

No freaking way. Hindi ito maaari.

"Okay ka lang?" biglang tanong sa akin ni Neil nang mapansin niyang bigla akong naestatwa.

"A-ah, oo, okay lang ako."

Sakto namang bumalik si Kent nang matapos niya ang tawag.

“Sige dun muna ako sa loob. Magbibihis lang ako.” Paumanhin ko sa kanila at dali-daling pumasok sa staff room.

Napaupo ako at pinakalma ang nanginginig kong kamay.

Baka naman mali ako ng narinig. But who am I kidding when I clearly heard how Neil said it’s 27.

Pero imposible ito, baka mali lang naaalala ko.

Aissh.  Frustrated, I grip my hair and sigh again.

Ilang beses akong napahinga ng malalim bago kumalma at nagbihis na. Tinanggal ko ang suot kong scrub suits at binalik ang damit kong binigay ni Krypton bago lumabas ng staff room. Nakita ko si Neil pero wala na si Kent.

“Asan si Kent?” tanong ko kay Neil.

“Lumabas muna kasi may tumawag ulit.”

“Oh.”

Nag-out na kami at tahimik lang ako habang palabas kami ng hospital.

“Okay ka lang, gurl?” siniko ako ni Alee. “Bakit parang may malalim kang iniisip?”

“Ah, wala. Pagod lang tsaka inaantok.” Tipid kong ngiti sa kanya. Pinag-iisipan ko pa kung sasabihin ko sa kanya ang bumabagabag sa akin. Tsaka ko na lang sabihin sayo, Alee kapag nakumpirma ko na.

“Sabay ka na sa akin.” Alok ni Alee pero umiling ako.

“Susunduin daw ako ni Krypton.”

“Ooohhh.” Nang-aaasar na ngiti ni Alee pero pinatahimik ko siya baka marinig nina Neil at Mika at asarin din ako.

“Sige na alis na kayo. Hintayin ko si Krypton dito.” Sabi ko sa kanya at nagpaalam na din ako kina Neil at Mika.

Nang makaalis na sila, chineck ko ang phone ko at nakitang may text si Krypton: Malapit na ako, love.

Naramdaman kong namula ang pisngi ko sa huling salita. Aissh.

“Twilight.”

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Kent sa likuran ko. Naalala ko ulit ang issue sa edad niya.

“Kent.  .  .” Now I don’t know how to act in front of him.

“May hinihintay ka ba?” tanong niya sa akin. “Gusto mo bang ihatid na kita?”

Hindi ko napigilan ang sarili kong umiling agad. “Uh, no, thanks susunduin ako ni Krypton.”

“Ah, ganon ba?" Bakas ang kalungkutan sa mukha niya. "Kailan  day-off mo pala?” parang nabuhayan ulit siya ng pag-asa.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now