☢️ CHAPTER 39☢️

9.7K 268 13
                                    

Napatigil ako at ilang segundong hindi makagalaw sa natunton kong katotohanan.

He really didn't withdraw!

“Hey, you okay?” tanong ni Krypton nang mapansin niya akong natahimik bigla.

"H-ha? Ah, oo, okay lang ako."

Biglang tumunog ang phone niyang nasa labas ng banyo kaya nagpaalam saglit si Krypton at nagsuot ng towel sa baywang bago lumabas ng banyo.

I couldn’t bring myself to tell him directly of my discovered dilemma. Nahihiya ako at hindi ko alam kung sinasadya niyang hindi mag-withdraw kanina o sadyang nakalimutan niya? Maybe he got carried away.  .  .

Aissh.

Napasabunot ako ng buhok. Paano kung mabuntis ako? Hindi naman sa ayoko pero sa tingin ko masyadong maaga pa para sa amin. We just started this relationship and we still have a lot to know about each other.

My subconsciousness rolled her eyes. Ano ba, self, edi sana hindi ka nagpabigay sa tukso ng pagnanasa at sinuko ang Bataan kung hindi ka pa handa. Tsk.

Kinakabahan akong napabuntong-hininga habang iniisip kung anu-ano ang mga pagbabagong pwedeng mangyari kung mabubuntis ako.

But then, a sudden thought crossed my mind. Bigla kong naalala na malapit na akong magka-Red Day kaya napahinga ako ng maluwag. Palagay ko ngayong week ako magkakaroon. I always keep track of my menstruation period so I’m rest assured that there wouldn’t be a problem.

I relaxed and went in the tub. Mas lalong nag-relax ang katawan ko sa maligamgam na tubig na bumalot sa buong katawan ko.

Pumikit ako at isinandal ang ulo sa gilid ng tub. Ramdam ko ang paunti-unting pagkawala ng pagod na dulot ng marubdob na ehersisyo kanina.

Napadilat ako nang bumalik si Krypton at sinamahan ako sa tub. He carefully scrubbed my body and I almost laughed at his serious face as he focused on the task without sidetracking until we both finished bathing.

Kinuha niya ang puting towel at ibinalot sa basang katawan ko pagkatapos naming maligo.

“What do you want to do now?” tanong niya sa akin habang tinutuyo ang buhok ko gamit ang hair blower.

“Gusto kong matulog ulit.”

“Na naman?” may bakas na kalungkutan sa boses niya. “I was looking forward to spending more time with you.”

Napangiti ako. “I’ll just take a quick nap. Inaantok talaga ako eh.”

“Okay, I’ll tuck you to bed.”

True to his words, he tucked me to bed and I fell asleep right away.

Saglit lang akong natulog at nagising din agad pagkalipas ng mahigit isang oras. Medyo madilim na ang paligid at nakaramdam ako ng pagkagutom.

Umalis ako sa higaan at lumabas ng kwarto. Bumaba ako para hanapin si Krypton at nang makapag-dinner kaming dalawa pero walang tao sa baba maliban kay Manang Flor na abala sa pagluluto ng pagkain.

“Nasa study room si Sir Krypton.” Imporma ni Manang Flor nang tanungin ko siya.

“Oh, okay. Thanks.”

Pumunta ako sa study room at dinatnan si Krypton na abalang-abala sa harap ng laptop niya. May iilang papeles na nakakalat sa malaking mesa niya at halatang madami siyang inaasikasong trabaho.

“Hey, you’re awake.” Nakangiti niyang bati sa akin nang mapansin niya ako sa pintuan at sandaling inihinto ang ginagawa.

Nginitian ko siya pabalik at pumasok bago umupo sa isang bakanteng upuan na katabi ng mesa niya. “Kumain ka na?”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now