☢️ CHAPTER 47☢️

9.1K 265 15
                                    

Pagpasok ko sa apartment, nawalan ako ng lakas at napaupo sa malamig na sahig.  Ang bigat sa pakiramdam at parang may tumutusok sa puso ko kapag naaalala ko ang huling itsura ni Krypton bago ko siya tinalikuran at pumasok sa apartment.

His eyes were full of unspoken sorrow and something more that made me uneasy.

Nagawa ko ang tama para sa aming dalawa pero bakit ang pangit sa pakiramdam? Ilang minuto pa lang ang lumipas simula noong nakita ko siya pero ramdam ko na ang matinding epekto ng pagkawala niya.

Kaya  ko ba ng tatlong araw na wala siya?

Napabuntung-hininga ako. Ako ang nag-suggest ng cool off pero bakit parang ayaw ko na? Para na kasing naglaho ang gusto kong punto nito para sa amin. Kailangan ba talagang mag-cool off kami?

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo at nakatingin sa kawalan hanggang sa naisipan ko nang mag-shower at matulog.

Kinabukasan, nagising ako na hindi maganda ang pakiramdam. Wala na ang munting kasiyahan at pakiramdam ng bagong umaga at alam ko kung bakit. Wala si Krypton sa tabi ko at napakalaking kawalan ito. This is Day One without Krypton.

Nang pumasok ako sa duty, napansin ni Alee ang kakaibang awra ko at ang pagod sa mukha ko. Ikinwento ko sa kanya ang nangyari at kunot-noo ang natanggap kong reaksyon niya.

“Twilight, hindi ko ma-gets bakit kailangan niyong mag-cool off?” naguguluhan niyang tanong sa akin.

Huminga ako ng malalim at sinabi ko ang punto na gusto kong maintindihan niya. A healthy relationship should honor individuality and solid respect for each other’s individual needs outside the love relationship.

“Nasasakal na ako at hindi ito maganda para sa relasyon namin kaya kailangan niyang mamulat sa epekto ng sobrang obsession at possessiveness niya sa akin. Gusto kong matuto siya kung ano ang tama at sapat na pagmamahal na ibibigay niya sa akin.”

Mas lumalim ang kunot sa noo ni Alee. “Paano siya matututo kung hindi mo siya tuturuan?”

Napaawang ang labi ko pero hindi ko masagot ang tanong niya at nagpatuloy siya.

“Nasabi mo ba kay Krypton kung ano ang tama at sapat na pagmamahal na gusto mo?”

“Uhm.  .  .” Umiling ako. “Hindi. Pero nakuha naman niya siguro ang punto na gusto kong bawasan niya ang pagka-possesive at ang obsession niya sa akin dahil minsan sumosobra.”

“Sabi mo nasasakal ka sa kanya, pero sa tingin mo ba, malulutas ito sa isang cool-off?”

Hindi ako makasagot agad. Noong una, sigurado ako na kailangan muna namin ng space mula sa isa’t isa para makahinga ako at nang makapag-isip-isip kami. Pero ngayon, hindi na ako sigurado kung tama ito lalo na at marupok ako kaya nami-miss ko na si Krypton. Aissh. Day one pa lang ito.

“Uhm, siguro.  .  .” mahina ang pagkasabi ko, hatalang hindi ako sigurado. “At least, makakapag-isip kami at makahinga naman ako.”

Tumaas ang isang kilay ni Alee. “Bakit? Nakakalimutan mo bang huminga kapag kasama mo siya?”

Aissh. I playfully slapped her shoulders and she laughed before her tone got serious again. “Ano bang dapat niyong pag-isipan pa? Mahal niyo ang isa’t isa diba?”

“Oo naman, Alee.” Naalala ko ang madaming beses na sinabi sa akin ni Krypton na mahal niya ako kahit noong hindi ko pa alam na siya pala si Kuya K. He never failed to show me how much he loves me through his words and actions.

Napatigil ako nang matunton ko ang isang bagay. I’ve never said the words back to him.

Pilit kong alalahanin kahit isang beses man lang na sinabi kong mahal ko siya pero wala akong maisip. Nanlamig ang mga kamay ko. I’ve never said ‘I love you’ to him, not even once.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now