☢️ CHAPTER 12☢️

11.6K 311 2
                                    

Sabay kaming napalingon ni Alee.

"Anong party sinasabi ng kasama niyo?" ulit na tanong ni Krypton at naglakad palapit sa akin. He just nodded at Alee for acknowledgement at tumingin sa akin na nag-aantay ng sagot.

"Uhm.  .  ." Umiwas ako ng tingin. Ayokong sabihin sa kanya for some unknown reason.

"Hi, Mr. Ferrante!" biglang sigaw ni Neil na akala ko pumasok na sa loob ng sasakyan niya pero lumabas pala pagkakita niya  kay Krypton.

Bago pa ako magsalita, inunahan na ako ni Neil. "Birthday party ni Kent mamaya, sama ka?"

Aissh.

Dinilatan ko si Neil pero sadyang hindi niya ako pinansin at nakatuon lang siya kay Krypton at parang asong nakangiti ng malapad.

Tumingin ako kay Krypton at hindi nakaligtas sa akin ang pag-igting ng panga niya at ang mabilisang pagbabago ng emosyon sa mga mata niya.

"Don't tell me you're going to that jerk's  birthday party." seryosong saad ni Krypton.

I frown. Eto na naman siya. "Krypton, I can go to whatever birthday party I want. Hindi ko kailangan ng pahintulot mo."

"I won't let you go, baby. Not anywhere that asshole."

I glared at him sa pagtawag niya ng asshole kay Kent. "Ano bang problema mo kay Kent?"

"He's an asshole." simpleng sagot niya.

Tumikhim si Alee na nasa tabi ko. Nakatupi na ang mga braso niya sa harap ng dibdib niya as if enjoying my little argument with Krypton. Pati si Neil ay nakasandal sa sasakyan niya at pinapanood kami.

Bumaling ako sa kanila. "Sige na, mamaya na tayo magkita-kita." Tumalikod ako para buksan ang sasakyan ko pero iniharang ni Krypton ang braso niya.

"You're not going, Twilight."

Inirapan ko siya. "Pupunta ako."

"No you're not." matigas niyang sabi.

"Well, yes I am."pagmamatigas ko ring saad. Hindi ako pwedeng papatalo sa kanya.

Inis niyang pinisil ang itaas ng ilong niya at marahas na bumuga ng hangin. "F*ck! If you really want to go, ako ang susundo at maghahatid sayo."

"What? No! May sarili akong sasakyan."

"It's either that or you are not going." matalas niya akong tinignan at kita kong seryoso siya.

"Sama ka na lang kasi, Krypton." biglang sabad ni Neil.

I want to slap him.

"Ayokong sumama." pagtanggi ni Krypton na ikinaluwag ng loob ko. Hindi ko alam anong gagawin ko kung sasama siya. It would be too awkward.

"May sasakyan nga ako, bakit pa ako makikisakay sayo. At ayokong abalahin ka pa." I try reasoning out with him pero umiling lang siya.

“I’ve already given you a choice, Twilight. Ihahatid kita doon at susunduin kita pagkatapos. If you don’t want that, then I’m not letting you go. I’m being considerate.”

I scoff. “Considerate? You’re being considerate at that?”

Nagkibit-balikat lang siya bago inilapit ang mukha niya kaya napaatras ako ng bahagya.

“Twilight, para wala ng problema, huwag ka na lang pumunta. As simple as that.”

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Hindi niya alam kung gaano kahalaga sa akin ang pagpunta sa birthday ni Kent mamaya. It was what I’ve been longing to do and missed all these years.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Onde histórias criam vida. Descubra agora