☢️ CHAPTER 44☢️

8.8K 262 10
                                    

"Hindi ako pwedeng lumabas?" mahinang tanong ko. It was more of a question to myself than to the security guard. Hindi ako makapaniwala na hanggang ngayon, strikto si Krypton sa pagpapalabas sa akin.

"Opo, Ma'am. Pasensya na po. Sinusunod lang po namin utos ni Sir."

Damn you, Krypton!

Ano bang problema niya?! Hindi ako aso para ikulong niya dito at papalabasin lang sa pahintulot niya. Sumosobra na siya. I suddenly felt enraged at the thought of it. Hindi ito makatarungan!

Krypton Knight Ferrante, humanda ka!

Ilang beses akong huminga ng malalim at pinakalma ang sarili bago ko tinawagan si Krypton.

He answered after a few rings. "Twilight, babe? Is something wrong? Bakit ka napatawag?"

Everything is wrong, asshole.

Nagtimpi ako at nagsalita sa matamis na boses. "Uhm, Krypton, kasi ano. . . kakain kami sa labas ni Alee so-"

Hindi pa ako tapos pero inunahan niya ako. "No. There's no need for you to go out and eat. Magpaluto kayo kay Manang Flor at diyan na kayo sa bahay kumain."

Napasabunot ako sa buhok ko. Aissh. He's really testing my patience. I kept my voice soft and held back my anger.

"Krypton, naman. Gusto kong lumabas, you know, to hang out with my best friend."

"You can hang out inside the house."

Aissh.

Naikuyom ko na ang kamao ko sa gigil. But I won't give up yet. Ngumiti ako kahit na hindi niya ako nakikita at nagsalita ng pabebe. "The house feels empty without you, Krypton. Mabo-bored lang ako dito kaya gusto ko munang lumabas."

Silence.

"Pleeeeassse. . ." pa-cute kong sabi at gumana ito. Dinig kong bumuntung-hininga siya bago nagsalita.

"Okay fine. But you'll be bringing security with you."

"Ha?! Pero-"

"That's the only way you can go out without me."

What the. . .

Hindi ako malayang makakagalaw kung may nakabantay sa akin at siguradong lilimitahan nila ang pag-walwal namin ni Alee. Paano naman ako makakapag-enjoy kung ganon?

Bahala na. "Okay." Iniabot ko ang phone kay Manong Guard para mag-usap sila ni Krypton.

"Okay po, Sir." sagot agad ni Manong Guard sa kung anumang inutos ni Krypton sa kanya bago niya ibinalik ang phone sa akin.

Ipinaliwanag sa akin ni Manong Guard na may isang sasakyan na susunod at magbabantay sa amin saan man kami pupunta ni Alee.

Sa isang tawag niya, lumabas ang tinutukoy niyang sasakyan at may sakay na tatlong security guard. Sakto namang dumating ang sasakyan ni Alee at huminto sa harapan ng gate.

Binuksan ni Manong Guard ang gate at lumabas ako at pumasok sa kotse ni Alee. Agad namang sumunod ang sasakyan na kinaroroonan ng security team na magbabantay sa amin.

"Seriously, Twilight?" taas-kilay na tanong sa akin ni Alee nang mapansin niya ang sasakyan sa likuran namin.

I sigh. "Just shut up and drive us away. Hindi na ako uuwi dito mamaya."

Nagulat si Alee sa sinabi ko.

Buo na ang isip ko kanina bago ko tinawagan si Krypton. It was a spur of the moment decision. Kung ayaw niya akong palabasin, pwes hindi na ako papasok sa bahay na iyon.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now