☢️ CHAPTER 11☢️

12.1K 289 6
                                    

"D-dinner.  .  . tomorrow?"

"Yes, love. Tomorrow night."

Hindi na ako nakaangal sa pagtawag niya ng love sa akin dahil mas inaalala ko kung paano ko tatanggihan ang offer niya. Hindi ko alam pero ayokong sabihin sa kanya about sa birthday party ni Kent bukas. Ayokong malaman niya na pupunta ako sa dinner bukas.

"Uhm, hindi ako pwede tomorrow night." dahan-dahan kong sagot hoping na hindi siya magtatanong kung bakit.

"Oh, I see." I hear the sounds of papers  being flipped. Baka nasa work siya. "How about tonight then?" tanong niya pagkatapos ng ilang segundo.

Napapikit ako. Aissh. Kung tatanggihan ko siya, it would look like I'm avoiding him at ayokong manghinala siya na naapektuhan ako sa kanya kaya ko siya iniiwasan.

Naalala ko na naman ang sinabi niya na willing siyang maghintay hanggang sa makuha niya ang loob ko and that's what I'm scared of right now. Natatakot ako na baka nagtatagumpay na siya sa ginagawa niya. Hindi ko na maitanggi sa sarili ko na may kakaibang epekto ang mga salita at kilos ni Krypton sa akin.

Huminga ako ng malalim bago sumagot. "Pwede ako tonight."

"Good." masayang sabi niya and I could picture him smiling. "Where would you like to eat? Is there a place you want to go to?"

"Uhm, okay lang ba na dito na lang sa apartment ko?"

"Oh, sure. Huwag ka nang magluto. Ako nang bahala sa pagkain. Just be there when I come. Is 7 PM okay for you?"

"Okay lang."

He said his gratitude for accepting his invitation before ending the call.

Napahawak ako sa sentido ko at napahilamos ng mukha.

Gusto ko siyang iwasan pero at the same time, may part sa akin na gustong mas makilala ng maayos si Krypton. I want to know kung bakit komportable ako pag kasama siya at kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko kapag andiyan siya. I want to explore the odd familiarity I feel towards him. Sinasabi ng puso ko na sundin at pagbigyan si Krypton sa hiling niya na hayaan siyang gawin ang mga bagay na gusto niya para makuha ang loob ko. Pero may parte din sa akin na gustong umiwas sa kanya at huwag hayaang basta na lang siya makapasok sa buhay ko.

Aissh, ang gulo mo Twilight.

Inubos ko ang natitirang pagkain at nanood muna ng Kdrama. Hindi ko pa natatapos ang isang episode ay naisipan ko nang maligo.

Paglabas ko ng banyo, dali-dali kong inalis ang tuwalya sa ulo ko at kinuha ang hair blower para patuyuin ang basang buhok ko.

Kahit hindi pa masyadong tuyo ang ibang parte ng buhok ko, inihinto ko ang pagblower at humarap sa closet ko. Ano bang damit ang bagay na isuot pang-dinner? Should I wear a dress?

Napatingin ako sa orasan. 6 PM pa lang but here I am, feeling rushed. Bakit ba ako nagmamadali? At bakit parang napaka-big deal nitong dinner sa akin?

Napaupo ako sa kama at napabuntong-hininga. I need to sort out these feelings that I have for Krypton before it gets complicated.

I settled for a comfortable cotton leggings and an oversized white sweatshirt. There is no need to dress up.

Five minutes before 7, dumating si Krypton, wearing jeans and a white shirt under his black leather jacket. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. He looks so.  .  . hot even in just those casual clothes.

Umiling ako. Hindi ko nagustuhan ang iniisip ko habang nakatingin kay Krypton. Nginitian niya ako at napansin ko ang hawak niyang malaking paper bag.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now