☢️CHAPTER 33☢️

9.4K 265 12
                                    

Parang biglang umikot pabaliktad ang mundo ko nang mabasa ko ang papel.

Totoo ba ito o namamalikmata ako?

Napaawang ang labi ko pero walang lumbas na salita. Gusto kong magmura at magtanong kung paano nangyaring may ganitong nabuong certificate pero hindi ako makapagsalita. Ang anumang katagang nasi kong sabihin sa sandaling ito ay nanatili sa lalamunan ko at hindi ko mabigkas dahil sa gulat.

Napaupo ako sa pagkabigla at ilang beses na kumurap-kurap, umaasang magbabago ang mga nakasulat sa papel na hawak ko pero ganun pa rin. Walang nagbago. Pangalan ko ang naka-print sa espasyo na para sa wife.

“Anong kalokohan ‘to?” mahina kong saad pagkatapos ng ilang sandali at nahanap ko ang boses ko. I suddenly feel so drained of energy.

So, may asawa na pala ako ng hindi ko alam? Wala akong kamalay-malay pero naging Mrs. Villanueva na pala ako. And it makes me sick to the stomach.

Bumaling ako kay Ericsson at nanlilisik ang mga matang tinignan siya at inulit ang tanong ko sa mas malakas na boses, “Anong kalokohan ‘to, Ericsson?!”

“Iyan din ang gusto kong tanungin sana sayo, Twilight. Akala ko ba okay na tayo? Hindi ka pa ba nakaka-moved on? Nalilito tuloy ako sa kung ano ang dapat kong mararamdaman ngayon na nalaman kong may marriage certificate tayo. Alam kong mahirap akong kalimutan pero ang ipa-register tayo bilang mag-asawa, sa tingin ko mali ang ginawa mo, Tw—”

Mapakla akong tumawa kaya napatigil siya. Ano daw? Ako ang nagparehistro?
Naikuyom ko ang dalawang kamay ko at nanggagalaiti sa galit siyang tinignan. I can't believe this asshole. “Excuse me? So you’re saying na pakana ko ito? Na nabaliw ako sayo at pina-register tayong dalawa bilang mag-asawa?”

Itinapon ko ang nalukot na papel na hawak ko sa table. “Dream on, Ericsson pero matagal na akong naka-get over sayo at hinding-hindi ko magagawa ang bagay na iyan. I’m not a desperate bitch over some arrogant self-centered asshole like you!”

Marahas akong napabuga ng hangin sa tindi ng emosyon na dumaloy sa katawan ko at hindi ko napigilang sabihin ang mga nasabi ko. Nagulat ako sa choice of words ko na hindi ko akalain na masasabi ko. Pati si Mama ay nabigla at mas lalo na ang mga magulang ni Ericsson.

Bumaba ang tingin ko sa nalukot na marriage certificate sa mesa dahil ayokong makita ang pagmumukha ni Ericsson. How could he accuse me of doing this?

Pareho kaming nagulat at nabigla sa pangyayaring ito pero heto siya ngayon at inaakusahan ako. Hinawakan ni Mama ang kamay ko at unti-unti akong kumalma.

“Twilight, anak,” mahinang sabi ni Mama habang hinahaplos ang kamay ko. “I trust you. Naniniwala akong hindi mo magagawa ito. Nabigla din ako nang una kong makita yang papel na ‘yan kaya kita pinapunta dito para malaman natin ang totoo at nang malinawagan tayong lahat at mapag-usapan ang gagawing solusyon.”

Tumikhim si Tito Anthony. “Uhm, hija, naiintindihan namin na galit ka at pare-pareho tayong nagulat at nabigla dito. Ang gustong malaman ni Ericsson ay kung paano kayo nagkaroon ng marriage certificate. Sana maintindihan mo na gusto lang  niyang malaman para alam niya ang gagawin at kung paano magawan  ng paraan ito.”

Napamura ako sa isipan ko. Like the last time, kinukunsinti si Ericsson ng mga magulang niya. They can’t stand seeing their oh-so-precious son suffer kahit na si Ericsson pa ang nagkamali. Gagawin nila ang lahat para maitama ang mga mali niya even to the extent of lying and covering up their son’s mistake like what they did with me.

Bago pa ako magsalita, nagsalita si Tita  Grace. “We just want our son to be happy. He already had his fill of suffering when you left him, Twilight. At ngayong may lumabas na ganito,” bumaling siya sa mesa na kung saan nakapatong ang papel. “naguguluhan si Ericsson at bumabalik ang alaala ng masakit na pinagdaanan niya nang—”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now