☢️ CHAPTER 17☢️

10.9K 302 17
                                    

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at nanginig ang mga kamay ko.

Okay naman siya.  .  .

Okay naman siya.  .  .

Parang nag-e-echo pa sa tainga ko ang sinabi ni Kent.

"Twilight? Hello? Andiyan ka pa ba? Hello?" Nagtatakang tanong ni Kent at napaigtad ako.

“Uhm,” I quickly rack my brains for an excuse. “Bukas ba yung family gathering niyo? Uhm, ano kasi eh, may lakad kami ni Alee bukas.”

“Oh, I see.” Malungkot na saad ni Kent. “Okay, ingat kayo. Next time na lang.”

Tumango na lang ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

Sa tingin ko wala ng next time.

“Bye. See you around, Twilight.”

Napaupo ako sa kama pagkababa ko ng phone.

Bakit?

Bakit siya nagsinungaling sa akin?

Naikuyom ko ang kamay ko sa galit at nagsimulang manubig ang mga mata ko. How could he do this to me? God knows how much I’ve waited pero bakit ganito ang kinalabasan? Akala ko nahanap ko na ang taong gustung-gusto kong makita pero isang kasinungalingan pala ang lahat.

“Twilight?”

Napaigtad ako sa boses ni Krypton na tinatawag ako mula sa kusina at dali-daling pinunasan ang luha na umagos sa pisngi ko.

Napabuntung-hinga ako. Hindi ko man lang magawang mag-rant at umiyak sa galit ngayon dahil nasa ibang bahay ako.

Lumabas ako ng kwarto at walang imik na umupo. Nakahain na ang pagkain at namilog ang mga mata ko nang makita ang buttered chicken sa harapan ko.

“Alam kong favorite mo yan kaya nagluto ako para sayo.”

Tinignan ko si Krypton na naghihintay na tikman ko ang luto niya. Huminga ako ng malalim at pilit kalimutan saglit ang issue kay Kent. Ayokong masira ang kainan ko nang dahil sa kanya. My favorite dish is here and somehow I feel less angry.

Nginitian ko si Krypton. “Thank you.”

Ngumiti siya pabalik at tinikman ko ang luto niyang buttered chicken.
“Hmm. Masarap.” Binigyan ko siya ng thumbs up at mas lumapad ang ngiti niya.

Nagsimula na kaming kumain at nang matapos na kami, huhugasan ko na sana ang mga pinagkainan namin pero hindi ako pinayagan ni Krypton.

“You should rest, Twilight. I got this. Ako na dito.”

“Pero nakakahiya naman sayo. Ikaw na nga ‘tong nagluto tapos ikaw pa maghuhugas.”

Ngumiti siya at mahinang tinulak ako palayo sa lababo. “Okay lang sa akin, Twilight. I just want to take care of you. Sige na, doon ka na sa sala or balik ka sa kwarto kung gusto mo pang matulog ulit.”

Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maghugas. Napatitig ako sa likod niya.

Bakit parang ang sexy niya habang naghuhugas? Aissh.

Napailing ako sa naisip ko at naglakad na lang pabalik sa kwarto.

Hinanap ko ang toothbrush sa bag ko at nag-brush bago humiga sa kama.

Hindi ko napigilang maisip ulit si Kent. Bakit siya nagsinungaling sa akin? Should I confront him? Or iwasan ko na lang siya?

Wala akong maisip na dahilan kung bakit niya kailangang magsinungaling at magpanggap bilang si Kuya K.

Hindi ko namalayan ay napapikit ako at nakatulog. Paggising ko, may malambot na kumot na nakapalibot sa akin. Napatingin ako sa bintana at mukhang gabi na.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now