☢️ CHAPTER 19☢️

11.2K 304 24
                                    

Napakagat ako ng labi dahil sa guilt at inalala ulit ang pagligtas niya sa akin. He has done nothing but save me yet for a moment, I doubted him and for that, I am so ashamed.

Huminga ako ng malalim at inayos ang buhok ko para matakpan ang kissmark ni Krypton. Nakakaasar kasi halata at namumula pa rin ito. Ayokong mapansin ito ni Kent at baka magtanong-tanong pa.

Lumapit ako sa kinatatayuan ni Kent at tumikhim.

"Uhm, Kent." Ngumiti ako nang humarap siya at pinigilan ang sariling bumaba ang tingin sa abs niya.

Shems, may abs pala siya.

"Uy, Twilight, andito ka na pala." Bati niya sa akin at iniabot ko kaagad ang cake na dala ko.

"Ano ito?"

"Cake para sa inyo. Since hindi ako makadalo sa family gathering niyo ngayon, naisipan kong magbigay na lang ng cake. Sana magustuhan niyo."

Tumawa siya ng mahina. " Twilight, nag-abala ka pa. Pero thank you. Sigurado naman akong magugustuhan namin."

Napatingin ako sa paligid at bumaling kay Kent. "Mag-isa kang nag-ayos nito?"

Umiling siya. "Tinulungan ako ng mga trabahador ko pero ako na nagtapos kasi pinapunta ko sila sa loob para ipagpatuloy ang pag-aayos ng mga kwarto doon since mag-o-overnight pamilya ko."

"Oh."

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na ako kay Kent at umalis patungo sa apartment ni Alee.

Nagsisisi tuloy ako nung nagsinungaling akong may lakad kami ni Alee ngayon pero hindi ko na iyon mababawi kaya pupunta na lang ako kay Alee at doon tatambay.

Ilang minuto pa ay nasa kama na ako ni Alee at kumakain kami habang nanonood  sa Netflix ng English movies since hindi na nanonood ng mga Kdrama si Alee hindi gaya noon.

"Kumusta pala kayo ni Krypton?" Biglang tanong ni Alee sa kalagitnaan ng movie.

Namula ang pisngi ko sa tanong niya dahil naalala ko ang ginawa ni Krypton sa akin kagabi at ang kissmark na iniwan niya sa leeg ko na ngayon ay pilit kong tinatago.

Aissh. Him and his darn tongue and fingers.

Tumikhim ako bago sumagot, "Uhm, okay naman kami. Pero ayoko siyang pag-usapan."

Hindi na nagtaka pa si Alee sa sagot ko. "Okay. Si Kent na lang."

Napabuntung-hinga ako at nakaramdam ulit ng guilt. "Uhm, sa totoo lang, nahihiya na ako sa kanya.”

Pinindot ni Alee ang pause para huminto ang palabas bago bumaling sa akin. "Bakit naman, Twilight? Ikaw na nga tong excited nung nakilala mo siya eh."

"Pinagdudahan  ko siya, Alee."

"Ha?" bakas ang pagkalito sa mukha niya.

In-explain ko sa kanya ang nangyari at ang nakita kong peklat sa likod ni Kent na nagpapatunay sa mali ko.

"Siya nga pala, paano mo nalaman na adopted si Kent?" tanong ko kay Alee.

Sumubo siya ng fries at ni-resume ang movie bago ako sinagot.

"Google. Try mo kaya, girl. Ang famous pala ng Kuya K mo pero ngayon mo lang siya nahanap. May nag-appear kasing article nung nagbro-browse ako sa FB nuon."

Nawala ang attensyon ko sa movie at nagsimula akong magbrowse sa phone ko. Totoo nga, may mga articles tungkol kay Kent at ibang impormasyon tungkol sa kanya.

Pinagpatuloy ko ang pagbrowse sa google pero limited din lang ang ibang impormasyon at walang nabanggit sa pinakagusto kong malaman. Wala ni isang article ang bumangit sa insidenteng nangyari sa amin sampung taon na ang nakalipas.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now