☢️ CHAPTER 34☢️

9.7K 243 7
                                    


“What?!” napatayo ako sa sinabi ni Krypton at hindi makapaniwalang tinanong siya “Papunta ka dito? Akala ko ba nasa Bataan ka pa?”

“The meeting ended earlier than expected so I’m coming there to get you.”

“Pero.  .  . I mean, bakit kailangang sunduin mo ako? Andito naman si Mang Kanor.”

“I don’t want to go home to an empty house without you. And I got time to spare so I can fetch you. Mang Kanor can drive back on his own. Pwede rin tayong mag stop over at mamasyal kung gusto mo.” Walang pag-aalinlangang sagot niya at napahilot ako ng sentido.

A part of me is not yet ready to meet him but I can’t deny the fact that I miss him so much. Kahit na sa maikling panahon na hindi kami magkasama, ramdam ko ang pananabik ko sa piling niya. Maybe I got used to him since we were always together these past weeks.

Pero hindi siya pwedeng pumunta dito ngayon. Aissh, mali naman ang timing niya.

Sinabihan ako ni Mama kagabi bago siya pumasok sa trabaho na pupuntahan namin ang kakilala niyang abugado bukas ng hapon at mamaya na iyon. Atsaka mamayang gabi, magtitipon ulit ang partido namin ni Ericsson kasama na si Dad at ang abogadong kakausapin namin para dito. Sa sobrang dami ng iniisip ko kagabi, nakalimutan kong sabihin kay Krypton na ipagpaliban ko ang pagbalik ko.

At ngayon, parating na siya para sunduin ako. Aissh. ano ng gagawin ko? Hindi ko siya pwedeng pabalikin dahil siguradong hindi siya makikinig at darating pa rin siya para sunduin ako. Posible rin na maabutan niya sina Ericsson dito sa bahay kung parating na siya at ayokong mangyari iyon.

Kung sasabihin kong bukas ako makakaalis dito, baka magtaka siya dahil nakwento ko sa kanya kagabi na parehong nasa trabaho sina Mama at Daddy kaya magmumukhang kataka-taka kung magpaiwan ako dito sa bahay mag-isa na walang ginagawa at ipagpaliban ang pagbalik. Besides, usapan naming dalawa na babalik ako ngayon.

Huminga ako ng malalim bago nagsalita, “Uhm, okay. Maliligo lang ako at aalis na kami ni Mang Kanor. Meet na lang tayo midway para hindi mo kailangang pumunta dito all the way.”

“No, it’s okay. I want to come there and say hi to your parents.”

Napailing ako. “Hindi mo rin lang sila maaabutan dito sa bahay. I told you last night, may duty sila ngayon.”

“Oo nga pala. Well, that’s too bad.” bakas ang pagkadismaya sa boses niya habang ako naman ay nakahinga ng maluwag dahil hindi niya makakausap ang mga magulang ko ngayon. Siguradong sasabihin nina Mama sa kanya ang tungkol sa pisting marriage certificate na iyon at yayanig ang mundo ko kapag nangyari 'yun.

“Saan ka na banda?” tanong ko sa kanya at naglakad patungo sa banyo para maligo.

He told me he’s still two hours away so I bid him goodbye for now para makaligo na ako at makapaghanda.

Pagkalipas ng ilang minuto, tinawagan ko si Dad para magpaalam na aalis ako. Halatang busy siya sa trabaho kaya hindi ko na pinatagal ang tawag namin at pinatay ito. Pagkatapos, sunod kong tinawagan si Mama para ipaalam sa kanya na hindi ako makakasama sa kanya mamayang hapon.

“Ha? Bakit naman, anak?” nagtatakang tanong ni Mama.

“Uhm, kasi ano, susunduin ako ni Krypton mamaya. Parating na siya actually kaya alis na kami ni Mang Kanor para salubungin siya sa daan.” Imporma ko sa kanya.

“Anak, pwede namang papuntahin mo si Krypton diyan sa bahay at bukas na lang kayo aalis atsaka para na rin makausap namin siya ng Dad mo tungkol sa marriage cert—”

“Ma, no! Please no!” putol ko sa sinasabi niya. “Pakiusap, huwag po muna ninyong ipaalam sa kanya. Mas mabuting wala muna siyang alam tungkol doon.”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now