☢️ CHAPTER 15☢️

12.1K 299 24
                                    

For the second time, hindi ako makagalaw sa gulat. Mas bumilis ang takbo ng puso ko at natatakot akong baka naririnig na niya sa sobrang lapit niya.

Nang magsimulang gumalaw ang labi niya, natauhan ako at pilit siyang itulak palayo pero inisang kamay niyang hinawakan ang dalawang pulsuhan ko habang ang isang kamay niya ang naramdaman kong hinawakan ako sa likod ng ulo.

Nagsimulang maging mapusok ang paghalik niya at pakiramdam ko nawalan ako ng lakas na itulak siya.

My will to push him away is suddenly fading and I just found myself responding to his kisses. Pumikit ako at hinayaan ang sariling tumugon sa mga halik ni Krypton. I feel his persistent tongue trying to enter my mouth but I didn't let him.

I gasp when his hand suddenly snakes to my back and forcefully pulls me towards him kaya tumama ang dibdib ko sa matipunong dibdib niya. Kinuha niya ang pagkakataon na yun para ipasok ang dila niya sa napaawang kong bibig.

Wala akong magawa nang malaya niyang sinunggaban ang bibig ko gamit ang mainit na dila niya. I could feel my knees go weak at what he's doing.

He tilts his head to the side para mas diinan ang paghalik sa akin. At the back of my mind, a part of me is telling me to stop pero parang may sariling isip ang katawan ko. Parang gusto kong tapatan ang mapusok at mainit niyang paghalik.

Parehas kaming hinihingal at nanghahabol ng hininga nang pakawalan niya ang labi ko.

“Maliligo ka Twilight o itutuloy ko ‘to?” hinihingal niyang tanong na parang nagpipigil at naramdaman ko ang pamumula ng magkabilaang pisngi ko. “Go on, Twilight, bago pa ako mawalan ng control sa sarili."

Dali-dali akong napaatras at napatingin sa sahig. "Uhm, e-eto na maliligo na."

Without looking back at him, tumalikod na ako at naglakad palayo.

"The bathroom's to your right, inside that bedroom." Dinig kong sabi ni Krypton nang huminto ako saglit.

Sinunod ko siya at naglakad sa kanan hanggang sa makarating ako sa isang malawak na kwarto. Pumasok ako dito at nakita ko ang bathroom na tinutukoy niya.

Pumasok agad ako at nilock ang pinto.

Aishh.

Darn it!

Pinukpok ko ang ulo ko sa sobrang kahihiyan. Paano ko nagawang halikan siya pabalik? So stupid, Twilight.

Sinampal-sampal ko ang pisngi ko  sa kagustuhang burahin sa isipan ko ang mapusok na halikan namin kanina. Ano bang pumasok sa utak ko at hinayaan ko siyang halikan niya ako? Dapat nanlaban ako. Dapat umatras ako. Dapat sinampal ko siya. Dapat--

Aissh. Ang daming dapat pero wala na. Nangyari na ang nangyari. So ano na ngayon? Nahihiya na akong harapin siya.

Hindi ako makapaniwalang magagawa kong halikan siya pabalik at mas lalong hindi ako makapaniwala sa inasal ng puso ko. My heartbeat is erratic and I hate that feeling.

Napahilamos ako sa mukha at tinignan ang wristwatch ko.  Oh! 9 PM pa lang pala. May dalawang oras pa bago mag-11 PM. Maaga akong pinuntahan ni Krypton e sinabi ko naman sa kanya na mga 10 PM niya ako susunduin.

So ano ng gagawin ko sa 2 dalawang oras bago mag-11 para sa duty ko? Ayokong manatili dito at magpalipas ng oras. Aissh naman kasi.

Isang katok ang napahinto sa aking pag-iisip at dinig kong nagsalita si Krypton sa likod ng pintuan.

"Twilight, open up. Andito yung bathrobe mo."

Passionate Obssession [R-18 SPG] Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz