☢️ CHAPTER 32☢️

9.9K 263 13
                                    

What the.   .  .

Napatampal ako sa noo at nainis sa narinig ko. Tanghaling-tanghali, lasing siya? Tapos pumunta siya kina Mama?

Why the hell would Ericsson do that? Ano bang problema niya?

"Seryoso, Ma?" Hindi pa rin ako makapaniwala at hindi ko mapigilang mag-alala. "Okay lang po ba kayo? May ginawa ba siya? Nanggulo ba siya Kasama mo ba si Dad?"

"Huwag kang mag-alala, anak. Andito yung Dad mo at okay lang kami. Hindi naman siya nanggulo, dumating lang siyang lasing at hinahanap ka."

Nagtataka ako kung bakit pumunta siya doon pero napaisip ako na wala kaming komunikasyon ng mahigit isang taon at hindi na niya alam kung saan ako nakatira kaya siguro naisipan niyang puntahan ang mga magulang ko.

"Bakit naman daw niya ako hinahanap?"

"Hindi namin alam, anak. Nakatulog na siya at andito mga magulang niya. Gusto ka din nilang makausap."

Napaawang ang bibig ko at halo-halong emosyon ang naramdaman ko. Naiinis ako sa ideyang haharapin ko ang magulang ni Ericsson. Matagal na din kaming hindi nag-uusap simula nang mag-break kami ng anak nila. Natatakot at kinakabahan din ako dahil mukhang may importante silang sasabihin kung pati mismong magulang ni Ericsson ay gusto akong makausap.

Iisang neighborhood ang tinitirhan ng mga magulang ko at ang mga magulang ni Ericsson kaya isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi na ako masyadong umuuwi sa amin. Bukod sa busy ako sa trabaho, ayoko munang makausap sila at makaharap dahil masakit pa rin sa akin ang ginawa nila.

"Bakit, ano daw po bang dapat naming pag-usapan?" Tanong ko kay Mama.

"Hindi ko din alam, Twilight. Sabi nila gusto ka nilang makausap ng personal. Ano bang nangyari kasi nung nagkita kayo ni Ericsson? Bakit bigla siyang nagkaganito? Akala ko ba okay na kayo?" I can picture my mother frowning  with worry.

Napabuntong-hininga ako at napapikit saglit. "Hindi ko rin alam, Ma."

Noong nagkita kami sa MOA, wala naman siyang binanggit o ipinakitang indikasyon na kailangan niya akong makausap. So why now? What's gotten into him that he would like to talk to me? Dinala pa talaga niya mga magulang niya.

"Hindi ba pwedeng kausapin ko na lang sila sa telepono?" tanong ko at sandaling katahimikan ang nasa kabilang linya bago nagsalita si Mama.

"Mas mabuti daw na sa personal, Twilight. At may kailangan ka din daw makita--whoa! Oh my gosh.  .  ." Biglang napasinghap ng hangin si Mama sa kabilang linya at parang  nagulat sa hindi ko alam na dahilan.

"Ma?" takang tanong ko nang hindi na siya nagsalita pa. Ilang segundong katahimikan ang namayapa sa kabilang linya at dinig ko ang mahinang tunog ng mga papel. "Ma? Bakit, anong--"

"Twilight Dane Medina.  .  ." Nanlamig ang katawan ko sa pagbigkas niya sa buong pangalan ko at sa bakas na pagtitimpi sa boses niya. "Umuwi ka na. Ngayon din!"

Napaigtad ako sa gulat. Ano bang nangyayari?

"M-ma? Ano po bang--"

"Magpa-drive ka sa kung sinuman na pwede riyan at pumunta ka dito, ngayon din! Hihintayin ka namin. Kailangan natin ng masinsinsanang pag-uusap." diretsong sabi ni Mama at kinabahan ako.

Napanganga ako sa hangin at hindi na ako nakapagsalita hanggang sa pinatay ni Mama ang tawag matapos ulitin na ibilin sa akin na kailangan kong umuwi sa amin ngayon din.

Aissh. What the heck is happening? What made my mother loose her cool like that?

Napabuga ako ng hangin at ilang sandali akong napaisip bago ako naglakad papunta sa kwarto ko para magbihis. Pagkatapos, kinuha ko ang wallet at phone ko bago ako lumabas at pinuntahan si Krypton para magpaalam.

Passionate Obssession [R-18 SPG] Onde histórias criam vida. Descubra agora