☢️ CHAPTER 24☢️

11.2K 269 9
                                    

“Ma, ayoko! Kaya ko naman sarili ko. nakakagalaw ako at nakakakain ng maayos kaya walang dahilan para kailangan ko pang tumuloy sa bahay ni Krypton. Bakit pa kasi pumayag pa kayo e kayang-kaya ko naman sarili ko.” paulit-ulit na sabi ko kay Mama na nasa kabilang linya.

Pangatlong beses ko na siyang tinawagan para bawiin niya ang pagkasundo nila ni Daddy na payag silang iuuwi ako ni Krypton sa bahay niya.

Madidischarge na ako ngayon pagkatapos ng ilang araw at sinusubukan ko pa rin silang kumbinsihin.

Nitong mga nagdaaang mga araw, hindi umalis si Krypton sa tabi ko at lagi siyang nakabantay sa akin. Ilang beses  ko na din siyang kinausap at tinangkang kumbinsihin para payagan ako na umuwi sa apartment ko pero hindi niya ako pinagbibigyan.

Kaya naman sinususubukan  ko ngayon sina Mama pero pati sila ay hindi nagpapatinag.

“Twilight, anak, hindi ka pa nakakalakad ng maayos dahil sa paa mo kaya--”

“Nakakalakad na ako, Ma!” napatayo ako mula sa kinauupuan ko at naglakad ng pabalik-balik sa kwarto. “kung nakikita niyo po ako ngayon, Ma, parang walang naganap na fracture sa binti ko. I’m perfectly fine.”

Palihim akong napawingi nang maramdamam ang kaunting kirot sa binti ko. Hindi naman gaanong malaki ang fracture at naghihilom na ito pero minsan sumasakit ito.

Nag-tsk si Mama. “Payo ng doktor mo anak na kailangan mo pa ng pahinga at hindi ka pa pwedeng mabinat at  mapagod ng husto kaya kailangan mo si Krypton para alagaan ka. And as a mother and doctor, I would also prescribe the same thing.”

“Eh bakit kailangang si Krypton? Pwede naman si Alee.”

“Paano kung nakaduty si Alee? Sinong mag-aalaga sayo? Sinong magpapakain at magmomonitor ng meds mo?” balik na tanong niya sa akin.

“Edi ako.”

Napabuntung-hinga si Mama. “Hay nako, basta, final na iyon, Twilight. Si Krypton muna bahala sayo. May tiwala kami sa kanya at sigurado kaming aalagaan ka niya ng mabuti.”

Aissh.

Pinatay na niya ang tawag at napasabunot ako ng buhok.

Don’t get me wrong. Masaya ako dahil nakilala ko na ang totoong pagkatao ni Krypton pero hindi pa rin ako kompurtable na magsama kami sa iisang bahay. I mean, it’s too intimate for me. para na kaming mag-asawang nagli-live-in kung ganon.

At ayokong maistorbo siya sa trabaho niya. I would be a burden to him. alam kong madami siyang trabaho at malamang tambak siya ng mga gawain dahil sa pagbabantay sa akin sa hospital nitong mga nakaraang linggo. Lalo na at biglaang bumalik ang kapatid niya sa States dahil nagka-emergency daw kaya hindi ko pa ito nakikita ng personal.

Ayokong maging pabigat sa kanya kung kaya ko namang alagaan ang sarili ko.

Atsaka, hindi ko lubos maisip kung ano magiging buhay ko doon sa bahay ni Krypton. Wouldn’t it be too awkward?

Napaupo agad ako sa sofa nang maramdaman ko ang sakit sa binti ko dulot ng pagkapagod ko sa paglakad at biglaang pagtayo.

“You okay?” sa isang iglap, nasa tabi ko si Krypton at nag-aalalang hinawakan ang kamay ko. Hindi ko narinig na nakabalik na pala siya sa kwarto. May hawak siyang papel na inilapag niya sa table.

“Krypton,” mahinahong tawag ko sa kanya. “pwede bang pag-isipan muna na—”

“No, it’s final, baby." Naging seryoso ang mukha niya. "Iuuwi kita sa bahay.” May pinalidad sa boses niya at tinuro niya ang papel sa table. “Okay na discharged papers mo kaya makakaalis na tayo.”

Passionate Obssession [R-18 SPG] Where stories live. Discover now