☢️CHAPTER 5☢️

18.3K 428 10
                                    

Maya-maya pa ay namataan na namin ang malaking signage ng Andrea's. Inihinto ni Krypton ang sasakyan sa harap at bumaba kami. May valet na sumalubong kay Krypton at kinuha nito ang susi.

Biglang hinawakan ni Krypton ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. He just smiled and tightened his grip on my hand.

"Krypton, bitawan mo kamay ko!" inis kong bulong sa kanya.

Ngumisi lang siya at yumuko para bumulong din sa tainga ko. "Your parents are watching. You wanted to pay me back, right? This is what I demand as payment."

Sinulyapan ko sina Mama at Daddy. Nakangiti silang nakatingin sa amin.

Aissh. Kung alam niyo lang anong nangyayari.

Alam kong kahit papalag ako, hindi sila maniniwala. Mas maniniwala sila na nagtatampo ako ngayon.

I take a deep breath. Okay, calm down, Twilight. Kaya mo 'to. Patapusin mo ang dinner then deal with that jerk later.

Ayokong magmukhang weak at magsumbong sa parents ko. I can deal with this on my own without employing the same method Krypton used by involving my parents.

Hindi na ako umimik pa at hinayaan na lang si Krypton. Pumasok na kami at may sumalubong agad na receptionist. He greeted us politely bago niya kami inihatid sa isang area na kung saan napansin kong may nakasulat na Exclusive for VIPs only. May nakasulat din na Reserved sa malaking round table sa gitna na tinanggal agad ng receptionist pagkarating namin.

"Tita, Tito," baling ni Krypton kina Mama at Daddy. "Upo na po kayo."

Pinakawalan ni Krypton ang kamay ko at hinila ang isang upuan para makaupo ng maayos si Mama. Tuwang-tuwa naman si Mama at napabuntong-hininga ako.

He's really warming up to my parents.

Dumating agad ang pagkain namin at pinuno ng sari-saring putahe ang round table. Kinuha ni Krypton ang isang plato at nilagyan ito ng pagkain bago niya iniabot sa akin. Nilagyan niya din ng tubig ang baso ko at inayos ang dining utensils sa harap ko.

He's showing a side of him na maalaga pero hindi ko na yun pinansin pa at tahimik na sinunggaban ang pagkain.

Kumain na kami at nagkwekwentuhan silang tatlo while I kept quiet the whole time, trying to think of ways on how to get back at Krypton. I scowl nang tumawa silang tatlo sa sinabi ni Krypton. They look so happy at mukhang ang close na nila. Kung tutuusin parang hangin lang ako dito. Si Krypton yata ang anak nila, hindi ako. Aissh.

I excused myself at pumunta muna ng restroom. Naiihi tuloy ako sa gigil. I'm keeping myself calm para lang matapos ang dinner bago ko kausapin nang masinsinan si Krypton. I can't allow him to just barge in my life like this.

Naghilamos ako at nag-ayos ng buhok bago lumabas ng restroom.

"So how long have you known our daughter?"  narinig kong tanong ni Daddy pagbalik ko sa table.

"It's been a few years already." walang alinlangang sagot ni Krypton at napatingin ako sa kanya sabay upo.

Ano daw? I just met him the other day!

Aangal sana ako pero nagtanong ulit si Mama.

"So anong work mo ngayon, hijo?"

I admit, curious din ako sa work ni Krypton kaya tumahimik ako para hintayin ang sagot niya.

"Uhm, isa po akong businessman, Tita."

Ah so that explains his suits.

"Oh, Twilight," baling ni Daddy sa akin. "hanggang ngayon nagtatampo ka pa rin? Bakit ang tahimik mo diyan?"

Passionate Obssession [R-18 SPG] Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin