1: Shopping

2.4K 63 1
                                    

ANGEL's POV

It's Saturday morning. Pababa na ako ng hagdan nang maamoy ko ang mabangong niluluto galing kusina. Pagbaba ko nakita ko si Mommy at Manang na nagluluto ng almusal.

"Good morning Mom," bati ko kay mommy sabay kiss and hug sa kanya.

"Morning baby," sabi naman ni mommy.

"Morning Manang," baling ko naman kay Manang.

"Good morning din, hija," bati ni manang.

"Hmmmm! Ang bango naman nyan mommy!" natatakam na sabi ko.

Tumawa si Mommy.
"Sige na maupo ka na roon at maghahain na kami," sabi ni mommy.

Kaagad naman akong naupo sa hapag kainan habang pinapanood sina mommy at manang na naghahain sa mesa. Maya-maya lamang ay bumaba na si Daddy.

"Good morning daddy!" bati ko kay daddy.

"Morning, Anak," bati naman ni daddy sakin. "Morning Honey,"  bati ni daddy kay mommy sabay kiss. "Morning Manang," bati ni daddy kay manang.

Naupo na kaming lahat sa hapag kainan matapos maghain nina Mommy at manang.

"Anak, nai-enroll na kita sa Andres Bonifacio Academy. Sa monday na ang simula ng pagpasok mo. So dapat mamili ka na ng mga kagamitan mo sa school," mahabang paliwanag ni daddy.

"Ganun po ba daddy? Sige po magpapasama po ako kay Jessy bukas sa mall," sabi ko.

"Mabuti kung ganon," sabi ni daddy.

Natapos na namin ang aming pagkain. Si daddy umalis na dahil may work pa. Sina mommy at manang naman ay mamimili ng groceries. At ako?  Eto, nasa kwarto, nanonood ng movies. Ayaw kong sumama kina mommy eh. Katamad.

Busy ako sa panonood nang biglang mag ring ang cellphone ko. Si Jessy pala.

"Hello? Sissy?" pagsagot ko sa phone.

["Hi Sissy!"] bungad nya sa akin.

"Oh? Napatawag ka?" tanong ko sa kanya.

{"Itatanong ko lang kung saan ka na enroll?"} tanong nya.

"Ahh..... Sa Andres Bonifacio Academy ba yun?" sagot ko.

{"Talaga!? Dun din ako naenroll ni Mommy!" excited na saad nya.

"Ahhh....Talaga? Ahmm. Sissy, nakapamili ka na ba ng school supplies?" tanong ko.

{"Hindi pa Sissy eh. Ikaw ba?"}

"Hindi pa din Sissy eh. Yayayain sana kita mamili bukas eh kung wala kang gagawin?" pagyayaya ko sa kanya.

{"Ohh.... Sige Sissy. Wala naman akong gagawin bukas eh."}

"Talaga? Sige. Pano? Kita  tayo bukas?" sabi ko

{"Sure! Susunduin na lang kita bukas ah?"}

"Sige Sissy. Thank you".

{"Welcome Sissy. Sige. Kita na lang tayo bukas. Bye na. Marami pa akong gagawin eh,"} pamamaalam nya.

"Sige Sissy Bye," saka ko binaba ang tawag.

Lumipas ang oras at gabi na. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa panonood ng movies. Mag didinner na kami sa baba. Nung makababa ako ay nakahanda na ang pagkain at ako na lang ang hinihintay.

"Hi Mom! Hi Dad! Hi Manang," bati ko sa kanila.

"Oh anak, maupo ka na at magsisimula na tayong kumain," sabi ni mommy.

Nagsimula na kaming kumain.

"Ahmm, Mom, Dad. Jessy and I are in the same school!" excited na sabi ko sa kanila.

"Really?" dad said.

"That's good," mom said.

"Opo and sana magkaklase kami para may maka vibes naman ako sa room," I said.

"Sana nga," mom said.

"And Mom Dad, susunduin po ako bukas ni Jessy, mamimili din daw po sya ng kagamitan eh," I said while eating.

"Ahhh... Ok.... Basta uuwi kayo agad pagkatapos mamili ha?" sabi ni Mommy.

"Opo Mom," I said.

Hanggang sa natapos na ang pagkain namin. Umakyat na ako sa kwarto at nag toothbrush. Ang kwarto ko ay puno ng purple things HAHA kase naman favorite ko kulay purple eh. Excited na ako bukas mag mall. Nga pala. I am Angelique Altenza 16 y/o. Galing akong Spain at mag tatransfer sa ABA (short for Andres Bonifacio Academy). Sa Spain,nakapag aral na ako ng 4rth year high school. Pero nang dahil sa bussiness ni dad, bumalik kami dito sa Pilipinas. Hindi ko alam kung babalik pa kami ng Spain. Sabi ni daddy, maaaring magtagal ang kanyang bussiness dito kaya kailangan ko munang mag aral. Since iba naman ang paraan ng pagtuturo sa Spain kesa dito sa Pilipinas, mag uulit ulit ako. Sa sobrang excited kong mamili bukas, nakatulog na ako.

Kinabukasan.............

Patapos na akong mag prepare ng sarili ko nang makarinig ako ng busina sa labas. Dali dali akong bumaba at nagpaalam kina mommy at manang. Nasa trabaho na si daddy eh. Pumasok muna ng bahay si Sissy.

"Hi Tita!" bati ni Sissy kay mommy sabay beso.

"Oh! Hi Jessy, hija!" bati naman ni mommy.

"Mom, Manang, aalis na po kami," paalam ko sa kanila.

"Ohh sya. Ingat kayo ha?" mom said.

"Bye Mom! Bye Manang!" paalam ko sa kanila.

"Bye Tita!"  Sissy said.

Sumakay na kami sa kotse ni Sissy. Matapos ang 30 minutong byahe ay nakarating na kami sa mall.

"Sissy, kain muna tayo ah? Di pa ako nagbebreakfast," Sissy said.

"Ok Sissy. Gutom na din ako eh," I said.

Pumunta kami sa isang restaurant at doon kumain.

"Sissy, bili muna tayo school supplies sa bookstore bago mag mall," I said kay Sissy matapos naming kumain.

"Ok Sissy," she said.

At syempre pumunta na kami dun sa bookstore. Halos kuminang ang mga mata ko nang makita ang mga purple things doon. May nakita akong ballpen, notebook, at iba pang school supplies na color purple pati narin mga pwedeng pandagdag na display sa kwarto ko. So as usual binili ko lahat yun. Kay Sissy naman ay color pink. Dinala na namin lahat yun sa counter at binayaran.

Paglabas namin ni Sissy sa bookstore may nakabangga saking isang lalake. May kasama pa syang isang lalaki. Infairness ah ang pogi nila-teka lang, binangga ako ng mokong nato eh. Yung lalaki naman nag deretso lang sa paglalakad. Aba! Ang kapal ng mukha! Di man lang huminto at tinulungan ako. Sa sobrang inis ko hinabol ko sya.

"HOY!LALAKE!!!!."

______________________________
Itutuloy...........

------------------------------------------
Hi Guys! Author Here! Yayy!! Tapos na ang chapter 1! Ano ok ba? Inuulit ko po, kung may pagkakahalintulad man po itong story ko sa mga naunang istoryang nabasa nyo ay hindi ko sinasadya. Salamat 💖

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon