20: My Visitors

449 32 2
                                    

(AN): At dahil mahal na mahal ko ang mga mambabasa ng storyang ito,,,, Another update sa bohai ng Angel nyo!!! YAYYY!!! Enjoy reading mga lahams😊😘

-A

Angel's POV

Nagising ako sa kwarto ko. Napatingin ako sa suot ko. Naka purple pajamas na ako. Dahan-dahan akong bumangon mula sa pagkakahiga. Hindi na mabigat ang pakiramdam ko.

Napakainit naman. Pawisan pala ako. Balot na balot pa naman ako ng comforter.

Napatingin ako sa purple wall clock ko. Mag aala una na pala ng hapon. Ang haba naman ng itinulog ko. Sleeping beauty daw pag ganon hihi..

Napabuntong hininga pa rin ako sa katotohanang hindi ako nakapasok ngayong araw. Tsk. Sana hindi nagtest or nagpaquiz. Ganun yon diba? Yung kung kelan ka absent saka magpapaquiz or test. Sa spain, nako, malimit yang mangyari. Kailangan mo pang pumunta sa isang room para doon aralin ang ipapaquiz sayo bago ka magsagot. Hayst. Nagkasakit pa kasi.

Wala na akong magagawa kaya umalis na ako sa kama at saka nagderetso sa banyo at naglinis ng buong katawan. Pakiramdam ko sobrang lagkit ko dahil sa pawis.

Nang makatapos ay nagsuot ako ng purple jogger pants at purple sando. Light lang naman ang shade ng sando kaya okay lang tingnan. I didn't wear my black contact lenses since nasa bahay naman ako.

Nang makapagsuklay at makapag-ayos ng sarili ay saka ako nagdesisyong bumaba.

Nasa may hagdanan pa lamang ako ay rinig ko na ang tawanan. Teka. Napapamilyaran ko yun ah?

Gayunpaman, nagpatuloy pa rin ako sa pagbaba sa hagdan hanggang sa nasa taas pa lamang ako ay laking gulat ko nang matanaw ko na ang mga kalalakihang nagtatawanan sa sala. Teka.. Ano namang ginagawa ng G-boys dito? Sa gulat ay hindi ko namalayang napatigil pala ako sa taas ng hagdanan.

"Ohmy Baby! You're awake!" naguguluhan man ay napatingin ako kay mommy na dali-daling umakyat upang makababa na nang tuluyan. "I was going to wake you up pero nagising ka na pala. Pinag-alala mo ako baby," nakapout na wika ni mommy. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti sa kakyutan ni Mommy. Dabest.

"Thanks Mom," nasabi ko at saka siya niyakap ng mahigpit.

"Oh siya baby, tingnan mo oh. Nakatingin na satin mga visitors mo," nanunuksong wika ni Mommy. Si Mommy talaga oo. Napatawa na lang ako. Tama nga si Mommy, nakatayo na silang lahat at nakatingin sa amin. Basically, sa akin.

"Wait a minute baby, may binibake ako sa kitchen e,"

"Is that cookies??" naeexcite na tanong ko kay mommy.

"Paborito ata yun ng baby ko! Samahan ko pa ng milk!" nakaramdam naman ako bigla ng hiya ng marinig ang bungisngisan sa sala.

"M-mom," sita ko kay mommy.

"Oops! Sarry hihi.." ngingiti ngiting wika ni mommy at saka naglakad papunta sa kusina.

Huminga ako ng malalim at saka naglakad papunta sa sala. Alam kong kita at rinig nila kami mula dito. Habang naglalakad ako papalapit ay alam kong titig na titig silang lahat sa akin. Uhhhhh!!! That MILK!!!!

___________________________________________

Nikko's POV

Nagulat ako sa hitsura niya ngayon. Alam kong hindi lang ako. Lahat kami. Hindi ko maiwasang matigilan habang nakatitig sa mga mata niya kahit hindi siya nakatingin sa akin. Nakikita ko pa rin. I mean, alam kong asul naman talaga ang mga mata niya at nagsusuot lamang siya ng contact lenses.. kaya lang, di ako sanay na blue ang mga mata niya. Nakakapanibago. Iba pa rin talaga kapag wala siyang contact lenses. Naghuhumiyaw talaga ang pagiging half niya. Walang pagdududang siya nga si El. Napangiti naman ako.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon