11: Visitors

497 31 0
                                    

Angel's POV

"Tita Janice," tawag ko sa babae saka lumingon sa katabi niyang lalaki. "Tito Tom,"

Marahan naman akong lumingon sa isa pang lalaking kasama nya. Pare pareho silang nakaupo sa sofa ngayon.

"James,"  mahinang tawag ko sa kanya. Nahihiya naman siyang napatayo saka tumingin sa akin.

"Hi," nahihiyang sabi niya saka nagiwas ng tingin.

"Kilala mo na siya anak?" tanong ni mommy.

"Ah opo. Schoolmate ko po siya," nakangiting sabi ko.

"Ah kaya pala,"

"Oh! Hija! It's nice to see you again!Ahh! You're so beautiful!" nakangiting sabi sakin ni Tita saka lumapit sa akin at yumakap.

"It's nice to see you din po Tita," pilit ang ngiting sabi ko. "And sa inyo rin po Tito."

"It's nice to see you too, hija," nakangiting sabi ni Tito.

"You're so beautiful talaga! Sana nag kaanak din ako ng babae para ikaw ang napag lihian ko," ani tita.

"Syempre naman Janice. May pinagmanahan e," natatawang sabi ni mommy habang lumalapit sa amin dala ang tray na may lamang cake kasunod nya si Manang na dala naman ang juice.

"Here. Mag meryenda muna kayo," nakangiting alok sa kanila ni mommy saka tumingin sa akin. Isinenyas niya ang juice hudyat para bigyan si James. Kaagad ko namang kinuha ang isang baso ng juice saka lumapit kay James at nakangiting iniabot iyon.

Napatingin sya sa juice saka nahihiyang nagtaas ng tingin sa akin. Nag iwas ulit sya ng tingin saka tinanggap ang juice. Bumuntong hininga ako saka naupo sa tabi nya. Nakita ko naman si mommy na busy sa pakikipag kuwentuhan kay tita at tito.

"Wag ka nang mahiya," panimula ko. "Ok na sakin yon basta wag mo nang uulitin," nakangiting sabi ko saka sya nilingon. Nakita kong nakatingin din pala siya sa akin.

"S-sorry," nakatungong sabi niya. "Ulit,"

"Ano ka ba? Ok na nga sabi yon eh. Kalimutan na lang nating pareho yon. Hmm?" nakangiti kong sabi. "Saka, magbago ka na tukmol," natatawang dagdag ko.

"Tukmol pfft. Sige. Pero sayang," natatawang sabi ni James.

"Sayang? Ang alin?" nagtatakang tanong ko.

"Wala," saka sya natawa.

"Ikaw ah. Tigil tigilan mo yang pagiging pakboy at babaero mo," natatawang sabi ko.

"Grabe ka naman sa pakboy. Hindi ba pwedeng habulin lang?" napahawak pa siya sa dibdib nya na animong nasaktan sa sinabi ko. Doon ko naalalang sinipa ko nga pala sya doon.

"Kamusta na nga pala yang dibdib mo?Pasensya na ah? Ikaw kase e," tanong ko.

"Ah eto?" saka nya hinawakan ang parteng sinipa ko. "Ok naman na. Oy, isang linggo din ang itinagal ng pasa ah. Grabe ka naman makasipa,"

"Sorry," saka ko sya tinawanan.

"Ok na yon," saka din sya natawa."Hindi na naman masakit saka wala nang pasa. Saka kasalanan ko din naman e. Wag mo na ulit akong sisipain ah?"

Saka kami sabay na natawa.

"Angel, may date ka na ba sa ball?" maya-maya ay tanong nya.

"Date? Kelangan pa ba non?" tanong ko.

"Oo naman,"

Hindi ko alam na kailangan pa ng date kase nga hindi naman ako sanay magpunta sa mga ball at kahit anong kasiyahan sa school.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon