44: Bye Dexter

170 9 0
                                    

A/N: I'M BACK. Writer's block is real. Sobrangggg pasensya na po. Sana...sana lang talaga.. matapos ko itong storyang ito nang maayos.

Enjoy Reading! Godbless💜

-A

***

Angel's POV

"May alam ka no?" dudang tanong ko.

Well, it is good though. May malalaman akong information. At sigurado akong may alam siya lalo na at nakausap niya ang mga nagimbestiga.

If I know, baka nagiimbestiga siya ng kaniya.

"Yeah. A few," nabuhayan ako ng loob.

"Mind telling me?" umaasang tanong ko. Umaasa talaga ako dahil knowing this guy, masikreto to.

"Yeah. But after the class," sagot niya at iniwan na ako. Nauna na siyang pumasok sa room. Nasa tapat na pala kami ng room, hindi ko pa namamalayan.

Naupo ako sa aking upuan at napalingon sa bakanteng upuan ni Mark. Napabuntong hininga na lang ako. Balita ko ay wala pa rin silang malay.

Ang tagal matapos ng klase. Kating kati na akong marinig ang sasabihin ni Rayven. Sorry for the word.

At sa wakas. Lunch na. Kaagad kong niligpit ang gamit ko at lumingon kay Rayven na pinapanood ako.

Pinagtaasan ko siya ng dalawang kilay. Anong ibig niyang sabihin? Nagdadalawang isip ba siyang sabihin sa akin? Oh please sana hindi.

"Lunch na tara," aya ko kay Rayven.

Tumayo na lang siya at sabay sabay kaming apat nina Sissy at Warren papuntang caffè. Naupo kami sa usual spot naming siyam.

Nilingon kami ng mga estudyante. Naninibago siguro kasi hindi kumpleto ang G-boys.

Wala pa sina James kaya naghintay pa kami ng ilang minuto.

Hindi rin nagtagal at dumating siya.

"Oh? Nasan si Jaynold bro?" takang tanong ni Warren nang mag isang dumating si James.

"He's absent. Nasa hospital pa siguro," sagot ni James.

Napag usapan namin ang tungkol sa pagkadisqualiffied ng team. Lahat kami ay nalungkot.

"I'm half happy and half sad now. Our Volleyball team won. Makakarating sila sa finals. While Soccer team....," napabuntong hininga si Sissy at walang ganang kinalikot ang pagkain.

"Coach says he can't do anything about it. Utos na rin ng Dean," malungkot na segunda naman ni Warren.

Tahimik naming pinagpatuloy ang pagkain.

Nang matapos ang lunch ay balik klase ulit kami.

Kahit gusto ko agad na matapos ang klase, nakafocus naman ako nang maayos.

*
Natapos na nga ang klase at napagdesisyunan naming dumeretso sa hospital para bumisita sa tatlo. Sadya kong binagalan amg pagpapaandar ng kotse nang mapansing nasa pinakahulihan ang kotse ni Rayven.

Dahil nauna ang kotse nina James, Warren at Sissy, sa malapit lang sila nakapagpark habang kami naman ni Rayven ay kailangang sa dulo pa magpark dahil punuan na. I texted Sissy na mauna na sila at susunod na lang kami ni Rayven.

I badly want to talk to him about the accident.

Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa sasakyan ni Rayven.

Hindi pa siya nakakababa ay binuksan ko na agad ang shotgun seat at pumasok doon.

"Please tell me now," sabi ko habang deretso siyang tinitingnan.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon