37: Soccer Team

276 25 2
                                    

A/N: May nagbabasa pa ba? Sana meron paaa😅😅😅. Grabe natatagalan talaga. Salamat pa rin at patuloy ninyo itong binabasa💜💜💜

Enjoy Reading! Godbless💜💜

-A

***

Angel's POV

"Sweetieeeeee!!!" sinalubong agad ako ng yakap ni Mom pagkabukas pa lang ng pinto. "Oh my dear I miss you!!!" halos hindi ako makahinga pero gumanti pa rin ako ng yakap dahil maski ako ay namiss siya.

Nang makapagpaalam ang mga kasama ko ay sabay-sabay din silang umalis. Hindi na sila tumuloy dahil kailangan na rin nilang umuwi. Inihatid lang nila ako dito. Sa school na lang ulit kami magkikita kita bukas.

"How's your trip?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang sala. Wala raw si Daddy dahil nasa trabaho pa.

"I enjoyed Mom," ikinuwento ko sa kaniya ang naging bakasyon namin. Syempre natuwa siya. Sabi pa niya ay babalik daw kami doon para makita ang ganda ng resort. Ibinigay ko sa kaniya ang pasalubong ko na souvenirs. Pangkapit lang yon sa ref at pang display. Damit naman ang kay Manang. Si Daddy naman ay hindi mahilig sa ganito. Nabili ko sa tiangge doon.

Nagpaalam na ako kay Mom na magpapahinga na. Umakyat na ako sa kwarto dala ang mga gamit ko.

Naligo na ako at nagpalit ng damit pantulog. Nang makatapos ay kaagad akong humiga sa kama. Nakakapagod pero naging masaya. Sana maulit yon.

Pero hindi sa beach.

**
Hindi ko namalayang nakatulog ako. Pagtingin ko sa orasan ay gabi na pala. Medyo mahaba ang naitulog ko at nakabawi na ako sa pagkakapuyat.

Naisipan kong buksan ang social media ko. Hindi naman magkamayaw ang pagtunog ng mga notification dahil sa dami.

I click my ig and checked my newest notif. And oh. Nakapost ang naging vacation namin sa resort. Mga pictures naming magkakasama. Si James ang nagpost at nakatag naman kaming mga naging bisita niya. Nagpapasalamat sa pagbabakasyon namin sa resort nila. Umani iyon ng napakaraming likes and comments.

Nakita ko ang comment ni Jes. Nanghihinayang siya dahil hindi siya nakasama. Sayang.

Pinuntahan ako ni Manang sa kwarto. Pinapababa na para kumain. Binigay ko na rin sa kaniya ang pasalubong ko. Natuwa siya at nagpasalamat.

"Dad!" kaagad kong bati nang makita siya sa hapag. Lumapit ako sa kaniya at niyakap. I miss Dad so much. Hindi niya ako tinawagan nung nasa resort ako. Laging si Mom. Well, I understand that he's busy.

"Oh hey Sweetie. How are you?"

"I'm fine Dad. You?"

"Likewise Sweetie,"

Naupo na ako sa pwesto ko at nagsimulang kumain. Nagkuwentuhan kami ni Daddy tungkol sa naging bakasyon. Kinuwento ko sa kaniya ang napagkuwentuhan namin kanina ni Mom. Masaya ako na nakauwi na ako.

Nang matapos kami ay tinulungan ko si Manang maglinis ng pinag kainan.

Natapos kami at tumaas na ako sa kwarto para matulog.

****

Kinabukasan, balik sa normal. Lunes na naman.

Naglalakad lang ako para pumasok sa classroom nang may tumawag sa akin.

"Angel!" tumatakbo siyang makalapit sa akin. Marahil ay hinabol ako. Nung tumigil siya ay hinihingal siyang napahawak sa tuhod habang naghahabol ng hininga.

"Oh Jed?" pagkilala ko.

"O-oh. K-kilala mo ako?" tanong niya nang maayos na ang kaniyang paghinga.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon