47: Punishment

200 12 5
                                    

A/N: Chapter 47 updated! Salamat po sa mga naghintay💜💜

Enjoy reading! Godbless💜💜

***

Angel's POV

Kabadong kabado ako habang nagmamaneho pauwi. Sa itsura kong ito, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ni Mommy. Paniguradong magugulat siya kasi ngayon lang niya ako nakita nang ganito ang itsura.

Kasunod ko lang ang mga sasakyan ng mga kaibigan ko. Sasamahan daw nila akong magpaliwanag. I'm thankful though, kahit papaano nabawasan ang kaba ko. Napahawak ako sa kumirot kong labi. Tumingin ako sa front mirror ng kotse at sinilip ang mukha ko.

Hindi na siya namumula. Konting galos na lang at hindi naman yun halata. May maliit nga lang akong putok sa labi.

Sa tuhod naman, may benda parin.

At ito na nga ang hindi ko hinihintay na mangyari. Nakarating na kami sa bahay.

"We got you Angel,"

Ngumiti naman ako kay James na siyang pinagsisihan ko. Naunat kasi ang labi ko at sobrang kumirot yon.

Nagdoorbell na si Sissy.

Pinagbuksan naman kami ni Manang. Nasa pinakalikod nila akong lahat kaya malamang ay hindi pa ako napapansin ni Manang.

"Uhm, Manang, nariyan po ba si Tita?" tanong ni Sissy.

"Ah oo hija, may bisita sila sa katunayan. Halikayo. Pasok pasok,"

Mas lalo akong kinabahan.

Bisita? Sinong bisita?

God lalo akong mahihibang nito. May iba pang makakakita ng kalagayan ko.

Nakapasok na sila sa loob. Ako na lang pala ang naiwan. Bigla naman akong natauhan at kaagad na sumunod.

"Oh nariyan na pala ang mga bata," rinig kong sabi ni Mommy. "Hello sa inyo. Masaya akong makita ko ulit kayo," rinig kong bati niya. Nasa likod pa rin kasi nila ako. Paano na to.

Sumagot naman nang may paggalang ang mga kasama ko.

"Where's Angel, Jessy?"

Napapikit ako nang mahigpit nang humawi sila at ilantad na ako. Eto na. Katapusan ko na.

Narinig kong may natumbang baso kaya napamulat ako. Natabig ni Mommy ang baso ng juice.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang bisita.

Sina Tito Tom at Tita Janice, parents ni James, na nagulat.

"What the hell happened?!" nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Mommy. Maging ang mga kaibigan ko. Sanay kasi sila na kalmado lang ang mommy ko.
Pero ngayon,

Galit sya.

Humahangos siyang lumapit sa akin.

Hindi niya malaman kung hahawakan ba ako o hindi, nagaalala sigurong masaktan ako dahil sa mga sugat.

"M-mom...," ano? Anong sa sabihin ko? Kita ko sa mga mata niya ang halo-halong emosyon. Gulat, pagaalala, awa at.... galit?

Bakit may galit? Hindi pa niya alam ang dahilan kung bakit ako nagkaganito, galit na agad?

Lumingon siya sa mga kasama ko.

"I'm asking all of you! Anong nangyari sa anak ko?!" galit na tanong ni Mommy kaya hinawakan ko siya para pakalmahin.

"M-mom calm down please," sabi ko habang hinahaplos ang siko niya.

"Anong ngang nangyari?!"

"M-mom kasi.... napaaway po ako sa school," nakatungo kong sabi sa mahinang paraan. Pero alam kong maliwanag niyang narinig iyon.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon