33: Heartbroken

324 27 5
                                    

A/N: Another Chapter updated!

Enjoy Reading! Godbless!💜💜

-A

***

Angel's POV

"Sissy? Hindi ka talaga sasama sa amin?" ilang beses ko na siyang pinipilit sumama sa amin. Pero ilang beses din siyang tumatanggi. Ang sabi niya, napagod daw siya sa paglalangoy.

Nang magising ako kanina, nakita kong mapula ang mata niya tapos parang sinisipon pa siya. Tinanong ko iyon sa kaniya pero ang sabi niya dahil lamang iyon sa tubig. Naglalaro raw sila sa dagat at napasukan ng tubig ang ilong at mata niya kaya namula.

"Hindi na Sissy. Sumama pakiramdam ko eh. Saka hindi naman ako mag iisa dito. Sabi mo hindi na makakasama sina Warren at Jaynold kasi gusto na lang nila matulog diba? Edi may kasama na ako," sagot niya habang inaayos ang kama. Nakabihis na ako at handa nang umalis. Naghihintay na rin sina Niks sa labas. Bumalik lang ako para ayain ulit si Sissy, nagbabakasakaling magbago ang isip niya at sumama sa amin.

"You sure?" paninigurado ko. Hindi na kasi sumama si Warren dahil tinatamad daw. Si Jaynold naman ay paniguradong inis pa rin kay Chad.

"Yes. Sige na. Lumakad na kayo. Magpapahinga na rin ako," sabi niya at nahiga sa kama. Saglit akong nagpaalam sa kaniya at lumabas na ng kwarto.

Naroon sina Niks, Rayven, Mark, Yvan, at James sa sala.

"Tara na, ayaw talaga ni Sissy," I looked at James whe he cleared his throat.

"Sino ba yung Chad na sinasabi mo Angel?," tanong ni Mark habang sabay-sabay kaming naglalakad. Kaya namang lakarin ang pagpunta sa cottage nila chad.

"May kilala akong Chad na nagbabakasyon din dito. Hindi ko lang sigurado kung parehas tayo ng Chad na tinutukoy Angel," sabat ni Yvan.

"He's handsome and uhm... ahh.. has a nice body too and-"

"Wait what? Pinansin mo pa talaga yun Angel?" pinutol ni James ang sinasabi ko.

"Dinidiscribe ko lang okay?" nag iwas ako ng tingin dahil totoo namang napansin ko iyon kanina.

"Nice body pala gusto mo, meron din naman ako ah?"

"Ulol. Buto-buto ka kaya," asar ni Yvan.

"Atleast hindi ako supot,"

"Hoy! Hindi ka ba nahihiya? May babae oh,"

Tinawanan ko lang sila.

Sina Niks at Rayven naman ay nananatiling tahimik. Bakit pa sumama itong si Rayven eh halata namang buryong buryo na siya.

Hindi nagtagal ay natanaw na namin ang cottage nila Chad. May mga tao sa labas nila at may kaniya kaniyang mundo. Nagpatuloy kami sa paglalakad. Pinaggigitnaan ako ng mga kasama ko kaya agaw pansin ang pagdating namin. Maraming tao ang naririto. Grabe naman mag invite si Chad. Buong turista ba ng resort na ito ang inimbita niya?

Hindi na ako nahirapang hanapin si Chad dahil kusa na niya kaming sinalubong.

"Angel! You came!" said Chad while holding a red cup. I smiled at him.

"With friends," pagtatama ko.

"Oh. Yeah with your friends,"

"Chad?" pagkilala ni Yvan. So kilala nga niya si Chad.

"Yvan! Bro! What the fuck? What are you doing here?" nagyakap pa sila ni Chad at tapikan sa likod.

"Para magbakasyon syempre,"

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon