40: Sports Festival

232 15 0
                                    

A/N: Tatlo kasi malapit na birthday ko! Pabirthday ko na sa inyo💜

Enjoy Reading! Godbless!💜💜

-A

****

Angel's POV

"Dexie! Let's go!" kumatok ako sa pinto ng guest room kung saan siya pansamantalang tumutuloy.

"Oo intay laang!" sigaw niya mula sa loob.

Napag usapan namin kagabi ang tungkol sa sports fest na gaganapin ngayon. Niyaya ko siya at agad naman siyang pumayag.

Ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng kwarto.

"Ready na me!!! Gora na us!" lalakad na sana kami pababa nang pigilan niya ako. "Teka teka. Bakit iyan ang suot mo aber?" pinasadahan ko ng tingin ang soot kong mom jeans at purple t-shirt.

"Why? What's wrong?" tanong ko.

"Hindi ba dapat naka sports wear ka na? Ano rarampa ka ng ganiyan?" napatawa naman ako.

"Syempre hindi! Sa acad na ako mag bibihis. Alangan namang pumunta ako sa acad nang iyon agad ang soot ko?,"

"Sabagay sabagay, kurek ka dyan. Edi let's gora na!" magkahawak kamay kaming tumakbo pababa ng hagdan. Mukha kaming mga batang excited sa pupuntahan.

Kahapon lang kami nagkakilala pero ang gaan gaan na ng awra namin sa isa't isa. Not the intimate one but as siblings.

"Ay hesus maria baka kayo'y mangandahulog! Magdahan dahan!" sigaw ni Manang nang pababa kami.

Nagtawanan na lang kaming dalawa ni Dexie nang makababa. Muntik pang madulas ang baklita.

Kumain muna kami bago nagpa alam umalis.

"Angas teh may sariling sasakyan!" wika ni Dexie nang makasakay sa kotse. Nagkibit balikat na lang ako.

"Gora na sa acad!" panggagaya ko sa salita niya kaya parehas kaming natawa habang byahe.

"Sure ka ah maraming pogi don ha,"

"Oo nga marami. Enjoy sa window shopping! HAHAHAHA,"

"Ang sama ah. Kapag ako nakabingwit ng isa. Yari ka sakin impaktita ka!," nakangusong sambit niya.

Napuno ng tawanan ang biyahe namin papuntang acad dahil sa mga biro niya.

Nang makarating kami ay naroon na naman ang paghanga sa mukha niya. Sinabi pa niyang yayamanin.

"Teh ayos laang ga ang aking suot?"

"Pogi mo," sabi ko. Totoo naman. Bagay na bagay sa kaniya ang soot niyang reapped jeans at black shirt. Aakalain mo talagang binata. Idagdag pa na mayroon siyang hikaw sa kaliwang tenga. Kaya lalaking lalaki talaga ang dating.

"Kadiri. Maganda kamo," he chuckled. Pabiro ko na lang siyang hinampas bago inayang pumasok.

Pagka pasok namin ay marami nang tao sa loob ng school. Mga outsiders at taga ibang school dahil dito raw talaga sinisimulan ang festival. May mga parents din ang naririto para siguro manood at suportahan ang mga manlalarong anak.

"Teh kamangyan naman dine. Karaming tao," sabi niya at kumapit sa braso ko. "Hawakan mo ako at nake'y ako'y mawawala dine," sabi niya at iginala ang paningin sa paligid.

Napansin kong naglagay ang school ng mga food stalls sa hallway ng mga rooms. Para siguro hindi na lumabas ang mga players kung sakaling bibili ng pagkain.

"Tara doon tayo," naglakad kami papunta sa classroom ko. Nakahawak pa rin siya sa braso ko. Takot nga sigurong maligaw.

Narating namin ang classroom pero ang nadatnan ko na lang ay mangilan ngilan kong mga kaklase at si Fredrick, ang vice president ng klase namin.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon