28: Caught

353 28 9
                                    

A/N: Updated! Maraming maraming salamat po sa mga naghintay!💜Lovelotssss... Godbless💜💜

Enjoy Reading!💜

-A

Angel's POV

Kaagad akong yumuko at pinagpupulot ang mga ruby beads.

"Fuck! I'm sorry Angel. I-i d-didn't mean to!" naghihisterikal na sabi ni Jaynold at saka ako tinulungang magpulot ng mga beads.

"What happened?" tanong ni Niks at lumapit sa amin. Tumigil din sina Warren at lumapit din. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya walang nakapansin. Since kami na rin yung nahuhuli kaya walang ibang nakakita kundi kami. Binigay sa akin ni Jaynold ang ibang beads na napulot niya.

Nag-aalalang hinanap ng mata ko si Yvan na nakatitig sa kamay ko. Hawak ko pa rin ang mga beads. Napatingin ako sa pupulsuhan niya. Suot din niya ang bracelet ngunit ang nakaagaw ng pansin ko ay ang nakakuyom niyang kamay.

"Yvan," bulong ko. Tumingin siya ng deretso sa akin at naglakad papalapit sa akin. "Yvan," tawag ko ulit sa kaniya nang makalapit siya. I'm fucking speechless. Paano ko ipapaliwanag sa kaniya? Hindi ko maiwasang maluha. Hindi ko mapigilan! It's a ruby! And very expensive!

"Hey, why are you crying? Nasaktan ka ba?" he asked calmly. Umiling ako.

"No, it's just that.. I'm sorry," hindi ko talaga alam ang sasabihin ko! Paano ako magpapaliwanag nito.

"It's ok. It's ok. Aksidente lang yon. Hindi mo yon sinasadya. Don't cry please," pag aalo niya sa akin.

"Yung.. yung b-bracelet,"

"Shhhh.. it's just a bracelet huh? Don't cry. Tahan na," he wiped my tears.

"I'm sorry,"

"Shhh,"

"Angel I'm so sorry. I didn't know that you were very close behind me. I just want to check on you," dali-daling paliwanag ni Jaynold. Nagpilit na lang ako ng ngiti sa kanya at tumango. Kahit papaano ay niligtas naman niya ako. May nasayang nga lang.

"Ayos lang bro. Bracelet lang naman," hindi ko alam kung ako lang ba o ano. Masyadong matigas ang pagkakasabi ni Yvan niyon. Tumigil na ako sa pagluha at pinunasan ang mukha ko.

"Magsiuwi na tayo, let's go Sissy," hinawakan ako ni Sissy sa wrist at marahang hinila maglakad. Nilingon ko silang lahat bago nagpahila kay Sissy. Muli kong tiningnan si Yvan nang may mapagpasesnyang mata. Tinanguan naman niya ako at nginitian.

Malayo ang pinagparkehan ng sasakyan namin ni Sissy kaya hindi ko na matanaw ang G-boys.

"Dederetso ka muna samin Sissy?" tanong ko.

"Oo gaga ka. Marami ka pang utang na chicka saken. Sakay na," natawa na lang ako kay Sissy. Napatingin ulit ako sa hawak kong mga beads. Nakakalungkot lang na nabasag ang ibang ruby beads. Yung iba nagkacrack pa. Aksidenteng natapakan kasi kanina ni Jaynold ang iba. Inilagay ko yon sa bulsa ng bag ko. Hindi bale na lang. Gagawan ko ng paraan para maayos to.

Lumapit ako sa sasakyan ni Sissy. Kinatok ko ang bintana niya.

"Bakit?" tanong niya matapos ibaba ang bintana.

"May alam ka bang repairshop?"

"Sa mall meron,"

"Dun muna tayo pumunta,"

"Sige,"

Bumalik na ako sa kotse ko at sumakay. Si Sissy ang pinauna kong magmaneho. Hindi naman nagtagal ay nakarating na kami sa mall. Mall nina Yvan.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon