18: Preparing Group Presentation

537 44 12
                                    

Note ni Awtor: pasensya na po kung ngayon lang nakapag update! Hihi salamat po sa mga nag abang! Love muah!😗

***

Jessy's POV (Sissy)

Nakaupo kaming lahat sa sofa ngayon.
Nakita ko si Tita na bumaba sa hagdan. Mukhang nagulat siya nung makita kami.

"Mom!" tawag ni Sissy kay tita.

"¿hija? tus amigos estan aqui. tienes algo que hacer con la escuela?" sabi ni tita. Huh? Hayyy...eto na naman ang pagiging espanyola ni tita kapag nagugulat.

(Trans: anak? Nandito pala ang mga kaibigan mo. May gagawin ba kayo tungkol sa school?)

"Sì Mom," tumatangong wika ni Sissy.

(Trans: yes mom)

"Vamos. Te los presentaré," wikang muli ni Sissy saka sila naglakad palapit sa amin.

(Trans: halika. Ipapakilala po kita sa kanila)

"Uh guys, this is my Mom," pakilala niya kay tita.

"Mom, this is Kathy.." turo ni Sissy kay Kathy.

"Hello po," nahihiyang bati ni Kathy.

"Warren.." turo niya kay Warren.

"Hi tita!" masiglang bati ni Warren Bayola. Nakipagshakehands pa. Psh.

"Mark.." turo niya kay Mark.

"Magandang hapon po," nakangiting bati niya.

"And R-rayven," awit ka Sissy. Utal pa. HAHAHA.

"Good Afternoon Mrs. Altenza," seryosong bati ni Rayven.

"Mga classmate ko po," nakangiting pakilala ni Sissy sa kanila.

"Oh.. It's nice to meet all of you," nakangiting wika ni tita sa kanila. Nagtanguan naman silang lahat.

"Oh siya. Ikukuha ko muna kayo ng makakain," nakangiting pamamalaam ni tita bago pumuntang kusina.

"Maupo na tayo," naupo na kaming lahat habang inilalabas ang kanya kanya naming notebooks at pen. Since hindi ko dala ang laptop ko, cellphone na lang muna ang gagamitin kong pangbrowse para sa gagawin naming groupings.

"Sandali lang guys ah? May kukuhanin lang ako sa kwarto," pamamalaam ni Sissy saka umakyat sa hagdan papuntang kwarto.

Two-storey ang bahay nila Sissy. Maganda ang design at kulay nito. Ang mga furnitures ay may halong spanish designs na malamang ay dedicated pa mula sa Spain. Maraming beses na akong pumupunta dito. Kung hindi nyo na itatanong, may lahing Spanish si Sissy. Yung lola ata niya ang Spanish? Ewan! Baka lolo? Ayyst.. basta. Isa sa mga grandparents niya mula sa daddy niya ang may lahing Spanish. Base na rin sa pagkakakuwento ni Sissy. Hindi ko lang alam kung yung lolo o yung lola niya. Nakalimutan ko na e. Matagal tagal na rin nung naikuwento yun ni Sissy sa akin.

Nasa sala kami ngayon. Nakaupo sa sofa set nila dito.  Pati kulay ng sofa set ay talagang bagay na bagay sa kulay ng bahay. Nakakamangha.

Gayunpaman, inumpisahan ko nang magbrowse sa aking cellphone tungkol sa gagawin naming report. Ganoon din ang iba maliban kay Rayven na nagsasaliksik sa libro. Ayos na din yon para pinaghalong kuha sa internet at kuha mula sa libro.

Maya-maya ay bumaba na din si Sissy dala ang kanyang purple laptop. Talagang napakahilig ni Sissy sa purple. Kung papasok ka sa kwarto niya ay puro color purple ang makikita mo. Kulang na lang pati kulay ng balat niya ay gawin niyang purple. Hayy..

Sa sahig na kami naupo para mas maging madali ang paggawa namin. Malalayo kasi ang agwat ng mga sofa e kaya napagdesisyunan na lang naming maupo sa sahig. Nasa kanan ko si Sissy habang nasa kaliwa ko naman si Kathy. Nasa kanan ni Sissy si Mark sumunod si Warren Bayola at Rayven. Nasa gitna namin ang isang bilog na coffee table kaya may mapapatungan kami.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon