43: Investigation

168 11 0
                                    

A/N: I'M BACK. Writer's block is real. Sobrangggg pasensya na po. Sana...sana lang talaga.. matapos ko itong storyang ito nang maayos.

Enjoy Reading! Godbless💜

-A

***

Angel's POV

"Ihahatid na kita,"

"Pwede mo ba akong ihatid?"

Saglit pa akong nagulat bago napangiti dahil sabay kaming nagsalita. Ayos. Pabor sa kaniyang ihatid ako.

"Ihahatid kita," siguradong sabi niya.

"Salamat Monks," asar ko sa kaniya. He just chuckled. Hindi man lang mainis unlike me.

Monks as in Monkey. Tawag ko sa kaniya kasi nauna naman niya akong tawaging....

"Lets go Donks," see?! Nakakainis! Donks naman as in Donkey! At nauna niya akong tawaging ganon! Lintik lang walang ganti.

Huminga na lang ako ng malalim bago tumayo. Baka mamaya mabitligan ko pa siya kagaya nung unang sinabihan niya ako ng Monks!

Pagkatayo ko ay bigla siyang lumayo kaya ngumiti ako ng nakakaloko.

"Nadala ka ano?" tudyo ko sa kaniya.

"Huh? Talk to air," aba't. Ang attitude! Iwan ba naman ako?!

"Teka lang! Magpapaalam muna ako kay Jay," pigil ko sa kaniya.

"Okay. Una na ako sa kotse," sabi niya nang hindi lumilingon sa akin.

Naglakad naman ako papunta kuwarto para magpa alam kay Jay at sa parents na rin.

Marahan kong binuksan ang pinto.

Tumingin silang lahat sa akin at nahiya ako doon.

"Angel, hija, come here darling," Tita Jeyanna said at siya ko namang ginawa. Nahihiya akong lumapit sa kanila. Nilingon ko si Jay na nakatulala sa kaniyang kapatid. Nagaalala siguro dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising ang sinuman sa tatlo.

"Thanks for your accompany here darling. Jaynold told me that you were with Nikko when he's unconscious. Thank you so much," maluha luhang sabi ng ginang.

I held her hand to comfort her.

"Wala po iyon Tita, it's natural because Niks is my friend," pag alo ko sa kaniya.

Nakangiti naman siyang tumango at pinakilala ako sa mommy ni Mark.

"Oh, you must be Angel," nagulat ako doon dahil kilala niya ako. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. "Finally, nagkita na rin tayo. I'm Mark's mother. You can call me Tita Cecil just like the others. And this is Maria, my first born," pinakilala niya sa akin ang kasamang babae. Kapatid nga siya ni Mark. Nagpaalam si Maria sa amin na pupuntahan lang niya ang kapatid.

"Minsan ka ng nabanggit sa akin ng aking anak. Ang he's right. You're so beautiful," lalo naman akong nahiya. Binigyan ko siya ng isang bahagyang ngiti.

"May namumukhaan ako sayo and just like you, napakaganda rin niya. She's always slaying that's why everybody loves her," hindi ko kilala ang tinutukoy niya ngunit mahihimigan ang pait sa boses niya. Ohh.

"Maraming salamat po Tita Cecil but I need to go na po. Baka po kasi hinahanap na ako sa bahay," pagpapaalam ko sa kanila. Saglit pa kaming nagkabatian bago ako lumabas. Nilingon ko pa si Jay na hanggang ngayon at wala pa ring kibo. Muli kong sinulyapan ang tatlo bago tuluyang isarado ang pinto.

Lumabas na ako ng hospital. Papunta na sana ako sa parking lot nang matanaw ang papalapit na sasakyan ni Rayven. Tumigil ito sa harap ko at agad naman akong sumakay.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon