3: First Day

779 39 0
                                    

Angel's POV

Maaga akong nagising kinabukasan dala ng excitement. Pinadala nga pala sakin ang aking uniform kahapon na pinatahi namin ni Sissy. Maganda sya. Maikli ang itim na palda nito na hindi aabot sa tuhod. Maputi naman ako kaya ok lang. Hindi nakakahiya. Meron namang puting long sleeves ang uniform ko na tinatakluban ng dark blue coat. Sana nagets nyo. HAHA. Kasyang kasya ito sa akin dahil patahi ko naman ito. Syempre ibinigay ko ang sukat ko. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang hanggang bewang kong itim na buhok. Naglagay lang ako ng kaunting pulbos at pink color lipstick. Nag spray din ako ng pinakamabangong perfume ko. Nang natapos ako ay saka ako bumaba.

Nakita kong nakahain na ang aking breakfast.

"Good morning mom!" saka bumeso sa kanya.

"Good morning din anak. Hmmmn. Mukhang excited na excited ka na ah," nakangiting sambit nya.

"Syempre naman mom! First day of school eh!" nakangiting sambit ko din.

"Morning!" nakangiting sabi ni daddy habang bumababa sa hagdan. Kaagad naman ako lumapit sa kanya saka yumakap.

"Morning Daddy!" nakangiting sabi ko matapos bumitaw sa yakap.

Saka kami naupong lahat at kumain.

Nang matapos kumain ay nagpaalam na ako kina mommy at daddy na papasok na. Matapos non ay nagpahatid na ako sa driver namin papuntang school.

Naabutan ko naman si Sissy na naghihintay sa may gate ng school.

"Sissy!" pagtawag ko sa kanya.
Saka lumapit.

"Sissy! Oh My Gosh! Super duper excited na ako!" napatawa na lang ako sa pag ka hyper nya.

"HAHA. Ako din naman eh. Teka?Kanina ka pa ba dito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi naman Sissy. Actually kakadating ko lang din. Hinintay lang kita," nakangiting sambit nya.

"So, pano? Let's go?" pag aaya ko kay Sissy.

Saka kami pumasok ng campus. Natuwa naman ako nang malamang magkaklase pala kami. Hindi maiiwasang pagtinginan kami ng mga students dito. Well...maganda naman si Sissy eh. At saka siguro naninibago sila kasi may mga bagong mukha silang nakita.

Eto na ata ang room namin. Tiningnan ko ang taas ng pinto at nakita ang karatulang nakasulat ang Section A. Tiningnan ko ang card na binigay samin at ang nakalagay na section namin dito ay section A. Ito na nga.

Pagpasok namin sa may pintuan ay magulo. Maraming nakatayo, nagbabatuhan ng papel, nagdadaldalan, at nagtatawanan. Natigil lamang iyon nang pumasok na kami ni Sissy ng tuluyan. Nagulat ako nang makita si Rayven na nakaupo habang nakatingin din sa akin.

--------------------------------
Mark's POV

Hi! I'm Mark Villapuerte at your service!

Balita ko may dalawang babaeng bagong transferies dito sa school namin. Matalino daw so my possibility na kaklase namin yun. Kanina pa pero di pa sila dumadating.

Kanina pa kami nagtatawanan ni Warren pero hindi man lang nakiki sali tong si Rayven! Napaka seryoso talaga ng lalaking to!

Abala kami sa pagtatawanan ni Warren nang may dumating na dalawang dyosa. Ayy este, dalawang babae. Ito na ata ang dalawang transferies na sinasabi nila. Magaganda nga sila! Nakita ko ang isang babae na mahaba ang itim na buhok na gulat na nakatitig kay Rayven. Magkakilala kaya sila?
Napatingin naman ang isang babae sa dalawang bakanteng upuan na nasa kanan ko. Itinuro ito ng babae sa kasama at agad na pumunta doon. Umupo sa tabi ko ang babaeng nakikipagtitigan kanina kay Rayven. Maganda sya ah? Hmmm.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon