19: Sick

459 46 1
                                    

(AN): HAPPY 2.39K READSSSS!!!! Grabeeee ibang level yung saya ko ngayonnnn... Maraming maraming salamat pooo💜💜 Fresh from the bottom of mah Heart😍💜

Eto na mga Bhie! Sorry sorry sorry sorry poooo talagaaa😅 nilagyan ko na po ng mga label bawat chaps para di ako malito sa pag eedit😅😊 Eto na po super thank you sa mga nagbabasa at matiyagang nag hihintay! Lahams ko na ata keyo😍 Enjoy reading!!😘

-A

Angel's POV

"I mean... for the group," walang ano-ano'y wika niya saka nagtuloy sa paglalakad.

"Psh," singhal ko nang makalayo siya.

Iiling-iling na sumunod ako sa kanila.

Nang makarating ay binati nila akong lahat. Binati ko din naman sila pabalik. Syempre naging masaya at maingay ang naging lunch namin. Nagsibalikan din naman kami sa kaniya-kaniya naming room nang makatapos.

Nakaupo na ako sa silya ko dito sa loob ng classroom. Masakit pa rin ang ulo ko kaya wala akong masyadong kinakausap. Pakiramdam ko nga, nasa sintido ko ang puso ko dahil sobrang lakas ng pintig. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Are you okay?" napatingin ako kay Mark na may nag-aalalang tingin sa mata niya. Pilit ang ngiting tumango ako.

"You sure?" tumango ulit ako.

Maya-maya pa ay dumating na ang lecturer. Hindi ako naging active ngayon. Hindi ko kaya. Kaya naman panay ang buntong hininga ko habang nagkaklase. Hanggang sa matapos ang panghapong klase at labasan na ay ganoon pa rin ang pakiramdam ko.

Lalo atang lumala tsk.

Kung kanina ay masakit lamang ang ulo ko. Ngayon naman ay para nang puputok dahil pakiramdam ko ay nanlalaki ito. Napakabigat din sa pakiramdam.

Magkakasakit ata ako.

Napabuntong hininga na naman ako habang parang pagong sa sobrang bagal na inaayos ko ang gamit ko. Napakabigat ng aking pakiramdam.

"Tulungan na kita Sissy," hindi ko namalayang nakatayo na pala sa harap ko si Sissy dahil sa sobrang kupad ko. Tumango na lamang ako at saka pilit na ngumiti.

"Kanina ka pang matamlay. Masakit pa ba rin ba hanggang ngayon ang ulo mo?" nag aalangang tumango ako.

Nagaalalang inilapat niya ang likod ng kanyang kamay sa aking leeg.

"Nako Sissy! May lagnat ka!" malakas na sabi ni Sissy. Napabuntong hininga na lamang ako nang magsimulang magsitingin sa akin ang aking mga kaklase. Nandito pa ang karamihan sa kanila kung bakit ay hindi ko alam.

"Angel?" nag aalalang tawag ni Jess saka lumapit sa akin. Gaya ni Sissy ay inilapat niya ang likod ng kamay niya sa leeg ko. "May lagnat ka nga Angel," nag aalalang wika niya.

"Bakit?" siyang paglapit ni Warren. Sinabi naman sa kanya ni Sissy. Ako naman ay mabagal pa ring inilalagay ang mga gamit ko sa bag. Parang gusto kong matulog at mahiga na lang basta sa kinatatayuan ko dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Hindi rin ako makapaglabas ng tinig dahil sobrang sakit ng lalamunan ko. Parang may nakabara na ewan. Kung magsasalita man ay paniguradong hangin lang ang lalabas dahil sa pamamaos.

"Paano ka makakauwi niyan Angel? Kaya mo pa bang magdrive?" tanong na naman ni Jess. Natigil ako sa ginagawa ko.

Kaya ko ba?

"Ihahatid na kita," napatingin ako kay Mark. Nagtataka. "I mean, namin," turo kay Warren at Rayven. Lalo akong nagtaka. Paano?

Mukhang napansin niya ang nagtataka kong mukha kaya naman agad siyang nagpaliwanag.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon