4: You?!

686 31 0
                                    

Angel's POV

"IKAW???!!" magkapanabay naming sabi nung lalaking nakabangga sakin. Naaalala nyo?

Napatayo ako kasabay nang pagkakasabi non.

Pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa ulo ko. Naiinis pa rin ako sa lalaking to!

"MAGKAKILALA KAYO??!!" sabay sabay na sabi nina Mark, Warren, Yvan, at James.
Si Rayven ay tahimik lang habang si Sissy ay nagulat.

Yung kasama naman nyang lalaki ay halatang nagulat din.

"Hindi kami magkakilala," sabi ko sa kanila habang nasa lalaking ito pa rin ang paningin ko.
"Pero may atraso sya sakin," halata ang pagkagulat sa mga lalake.

"Pano kase binangga ng lalaking yan si Sissy kahapon sa mall. Nangalat tuloy yung mga pinamili nya. Yung iba nabasag pa," paliwanag ni Sissy.

"Nag sorry na ako diba?" masungit na tanong ng lalaking nakabangga sakin. Aba? Aba! Sya pa ang may ganang magsungit? Eh kung sapakin ko kaya to? Nang magising naman sa kahibangan nya?

"Pero kung hindi kita hinabol, hindi ka mag sosorry," naiinis na sabi ko sa kanya. Eh talaga naman eh.

"Nakapag sorry na nga ako diba?"

"Tapos hindi ka man lang nag abalang tulungan aking pulutin yung mga gamit ko!" naiinis na talaga ako. No. NAGAGALIT na ako!

"Kasi nga nagmamadali kami!"

Sasagot na sana ako kaso inawat kami ni Mark.

"Woah! Guys! Tama na yan! Ok? Nikko, bro babae yan!" awat ni Mark sa amin.

"Nikko pala ang pangalan ng mokong na to," bulong ko.

Narinig ata nya dahil ang sama ng tingin nya sa akin.

"A-ahmm Angel, Si Jaynold kambal ni Nikko," pagpapakilala ni Warren kay Jaynold. Hindi ko inakalang kambal sila. May ganon naman diba? Kambal pero magkaiba ang mukha?

"Hi. Angel pala ang name mo?
Sorry sa inasta ng kuya ko ah?" paghingi ng paumanhin ni Jaynold. Napangiti naman ako.

"Ahh, oo. Kambal ba talaga kayo? Kase kung anong ikinabait mo, sya namang..........," binitin ko talaga saka tumingin kay Nikko. Hindi sa nagpaparinig ako ah? pero, parang ganun na nga. Napatawa na lang si Jaynold sa nasabi ko.

Nag siupo na kaming lahat.
Jaynold Nikkko James Rayven
Table Table Table Warren
Sissy Me Mark Yvan

Ganyan ang upo namin. Maya maya lamang ay dumating na ang order namin. Si Mark kanina ang umorder. Since libre naman niya, hindi na kami nag turo ng gusto namin.
Ang napunta sakin ay spaghetti, burger at tea. Ok lang. Favorite ko naman ang spaghetti.

"Angel, nagustuhan mo ba? pasensya na ah? Hindi ko kase alam ang gusto nyo," sabi ni Mark.

"Naku. Ok lang. Besides, masarap naman," sabi ko.

Nahuhuli ko minsan na nakindat at kinakagat ni James ang kanyang pang ibabang labi habang malagkit na nakatitig sakin. Inaakit ba niya ako?Pwes hindi ako naaakit, naiinis ako.

"AHHHH!!!" sigaw ni James matapos kong sipain ang binti nya. Hindi na ako nakapigil eh. Manyak!!

"Pervert," bulong ko matapos non.

"Oh? Bro? Bakit?" tanong ni Warren. Sinamaan ko naman sya nang tingin. Yung 'Patay-ka-sakin' na tingin.

"A-ahhh, Wala bro. M-may kumagat lang na langgam sa binti ko," sabi ni James habang himas himas ang kanyang binti.

Napangisi na lang ako habang nakatingin sa manyak na to.
Tumayo na ako kaagad.

"Ahmm, Mark, Warren, mauna na kami sa room," paalam ko kay Mark at Warren.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon