7: Coinsidence

555 34 2
                                    

Angel's POV

"Miss Altenza, pinapatawag ka sa Dean's Office,"

Pagkasabi niyon ni Mrs. Cardinal ay kaagad akong lumabas ng room. Hindi ako natatakot na mapatawag. Self defense lang naman ang ginawa ko.

Kasalanan ko bang hindi ako kaladkaring babae?

Sadyang manyak lang ang James na yon. Kaya ko lang nalaman na playboy si James dahil sinabi sakin ni Mark nung minsang nagkakuwentuhan kami kahapon.

Hayysst. Second day of school ko pa lang napatawag na agad ako. Alam ko ang papuntang Dean's Office dahil nadaanan namin yon ni Sissy nung papunta kaming canteen.

Malapit na ako nang matanawan ko si James na nakatayo sa tapat ng pinto ng Dean's Office. Nakita ko pa yung mantsa ng sapatos ko sa damit nya. Paniguradong masakit yung dibdib nya. Teka diba dapat nasa clinic sya? Sa lakas ba naman ng sipa ko nagawa pa nyang makapunta dito? Natatakot ba syang pumasok? Napangisi na lang ako sa isiping iyon.

"Bakit hindi ka pa pumapasok?" sabi ko pagkalapit ko sa kanya.
Bahagya pa syang nagulat nang magsalita ako.

"A-ahmm. Kinakausap pa ng Dean parents ko eh," kinakabahan ba sya?Bakit sya nauutal?

"Tabi nga dyan," sabi ko with a siga tone. Bahala sya. Kaagad kong binuksan ang pintuan ng office.

"Ohh. Nandyan ka na pala Miss Altenza. Ohh ikaw din pala Mr. Ackford," sabi ng dean nang magkasunod kaming pumasok ng Manyak na to.

Ackford??

Parang pamilyar sakin ang apelyidong to ah. Nakita ko ang isang kaedaran ni mommy ngunit maganda pa rin kutis nito. May kasama rin syang isang matipunong lalaki ngunit nakatalikod ang mga ito sa amin. Kaagad namang lumingon sa gawi namin ang babae at lalaki. Nagulat ako nang mamukhaan kung sino ang mga ito.

"Tita Janice??" tawag ko sa babae saka bumaling sa lalaki. "Tito Tom?"
Nagulat naman ang mag asawa nang makita ako. Friends sila ng mommy at Daddy ko. Actually sa states sila nakatira. May anak daw silang dito nagaaral sa Pilipinas pero hindi ko kilala. Kung ganon....

"Si James po ang anak nyo?" nagugulat na tanong ko.

"Angel, hija!? Naku. Ang laki laki mo na! At ang ganda ganda mo pa. Bata ka pa nung huli kitang makita. It's nice to see you again, hija!!" magiliw na bati sa akin ni Tita Janice saka yumakap at bumeso sa akin.

"It's nice to see you too po, tita" nakangiting balik bati ko sa kanya.
"Hi tito. It's nice to see you po," saka ako lumapit kay Tito Tom at nakipagbeso.

"It's nice to see you too, hija" nakangiting bati ni Tito.

"Mom? Dad? You know her?" naguguluhang sabi ni James habang nagpapalit palit ng tingin sa akin at parents nya.

"Ofcourse, hijo. Me, your Mom and her parents are friends." sagot dito ng Dad nya.

"So, hija, ikaw ang sinasabi ng dean samin na sumipa daw sa anak ko. I'm really really sorry sa nagawa ng anak ko, hija. Alam na namin kung bakit mo iyon nagawa. I'm really really sorry talaga for what he did," sinserong sabi ni tita.

"James, let's talk outside," rinig kong sabi ng daddy ni James saka sila lumabas ng DO.

"I'm so sorry talaga, hija. Kakarating lang namin galing states last week. Nagbabakasyon lang kami dito and at the same time dinadalaw namin si James. Pinilit ko syang isama sa states pero ayaw nya. Nandito daw kasi ang mga kaibigan nya," malungkot na saad ni tita.

"Naku. Tita, it's ok lang po. Wala na po yun. Kelan nga po pala kayo dadalaw sa bahay?" nakangiti kong ani.

"Hindi pa namin alam, hija. Kakausapin ko pa si James sa nangyari. Pero dadalaw talaga kami sa inyo," nakangiti na sya nang sabihin iyon.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon