26: Exam Day 1

341 26 3
                                    

A/N: So... chapter 26 updated!

Enjoy reading!💜

-A

Angel's POV

"Lumabas ka ba kasama ang mga Vosc?" gulat akong napatingin kay mommy. Walang ekspresyon ang mukha bagaman mahinahon ang boses. Nagtataka akong napatitig kay mommy. Anong problema? Bakit naman ang kambal agad ang pumasok sa isip ni mommy na kasama ko?

"Si Yvan po ang kasama ko kanina," katwiran ko.

Pero nakasama ko din kanina si Jaynold.

Mas lalo akong napatitig kay mommy. Para bang nakahinga siya ng maluwag. Sasabihin ko pa bang nakasama ko din kanina si Jaynold?

"Bakit po?" naguguluhang tanong ko. Ayaw ba niyang makihalubilo ako sa kambal?. "Mommy bakit?" muling tanong ko nang wala akong matanggap na sagot.

Muling bumalik ang sigla ni mommy.
"Wala naman anak. Nag enjoy ka ba sa paglabas mo kasama ang kaibigan mo? Kumain ka na ba?" naguguluhan man ako sa inasta ni mommy ay ngumiti pa rin ako at sinagot ang mga tanong niya.

"Opo mom! Nag ice skating po kami kanina ni Yvan! Sobrang namiss ko nga po ang pagi ice skating eh. Tapos kumain din po kami sa isang japanese resto!" masayang kwento ko kay mommy. Ngumiti naman siya nang malawak sa akin.

"Mabuti naman kung ganon anak. Oh siya, magpalit ka na," tumango ako. Niyakap ko siya bago umakyat sa kwarto.

Pagkapasok ko sa kwarto ay parang pagod na pagod na humilata ako sa kama. Naisip ko na naman ang sinabi at iniasta kanina ni mommy. Bakit ganon? Maging nung una silang magkaharap ng kambal ay pumasok rin sa isip ko. Gulat na gulat si mommy nung malaman niyang Vosc ang kambal.

Napabuntong hininga na lamang ako at saka tumayo ulit para maligo at magbihis.

Nang makatapos ako ay naupo ako sa harap ng salamin. Nakita ko sa repleksyon ng salamin ang paper bag na ibinigay sa akin ni Yvan. Tumayo ulit ako at saka kinuha ang paperbag at muling naupo sa harap ng salamin.

Kinuha ko sa paperbag ang isang maliit na kahon. Binuksan ko ito at nakita ang magandang pagkakasalansan ng pulseras. Napakaganda talaga.

'Sana suotin mo'

Muling sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Yvan. Napabuntong hininga na lang ako at saka ibinalik ulit ang pulseras sa kahon at itinabi sa vanity table.

Tumayo na ako at pumasok sa aking mini library. Kumuha ako ng isang libro at muling bumalik sa kama. Nahiga ako at saka nagsimulang magbasa hanggang sa hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

****

Nagising ako kinabukasan. Nakatulog na pala ako sa pagbabasa. Bumangon na ako at ginawa ang morning rituals ko. Nang makatapos ay may narinig akong pagkatok sa pintuan. Kaagad ko itong binuksan.

"Oh hija, mabuti at gising ka na. Halika na magaalmusal na tayo," nakangiting bungad sa akin ni Manang.

"Good morning po Manang! Opo pababa na po ako," magiliw kong bati.

"Oh siya sige na. Nandoon na ang mommy at daddy mo," tumango ako bago siya umalis.

Inayos ko muna sandali ang sarili ko at saka bumaba. Binati ko naman agad sina mommy at daddy at humalik saka naupo sa hapag at nagsimulang kumain.

"Wala ka bang lakad ngayon anak?" tanong ni daddy.

"Wala po dad. Mag aaral po ako buong mag hapon. This week na po kasi ang first periodical exam ko," sagot ko.

"Pagbutihin mo anak. Just do your best at huwag ipressure ang sarili, okay?" si mommy naman ang nagsalita.

"Opo mom," nakangiti kong sagot at saka nagpatuloy sa pagkain.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon