2: Banged

1.1K 43 0
                                    

Angel's POV

"HOYYY!! LALAKE!!" pagtawag ko sa lalaking nakabunggo sakin.

Napahinto naman ito at pati na rin ang kasama nitong isa pang lalake. Kaagad akong naglakad sa kinatatayuan ng dalawang lalakeng iyon.

"Bulag ka ba?!!" bulyaw ko nang makarating ako sa tapat nya. Malamig na tumingin siya sa akin. Matangkad ito kaya kailangan ko pang tingalain.

"Hindi mo ba nakita ang dinaraanan mo?! Kita mo namang nabangga mo ako eh! Tapos di ka man lang nag abalang huminto para mag sorry o di kaya ay tinulungan man lang akong pulutin ang gamit ko?!" naiinis na sabi ko sa lalakeng ito.

"A-ahm, sorry miss. Hindi nya sinasadyang mabangga ka," bigla ay sabat naman ng lalakeng kasama nya. Kaya sinamaan ko sya ng tingin.

"Ikaw ba ang kausap ko?!" sabi ko sa lalaking kasama nya. Napaiwas naman ng tingin ang lalaking kasama nito. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pasimpleng ngisi ng lalaking ito nung ibaling ko sa kanya ang paningin ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Narinig ko namang napabuntong hininga ito saka tumingin ng deretso sa akin.

"Ok, Sorry. Sorry for what I did. Nagmamadali kami kaya hindi kita nakita,ok? May kailangan pa kaming puntahan. We have to go," paghingi nya nang tawad sa akin saka sya bumaling sa kasama."Let's go," at mabilis na umalis.

Ganon na lang yon?

Tapos di man lang nag abalang pulutin ang mga gamit ko?

Naiwan naman akong tulala sa aking kinatatayuan. Hanggang sa narinig ko ang pagtawag sa akin ni Sissy.

"Sissy!!"rinig kong tawag nya sa akin kaya mabilis na napalingon ako sa kanya.

"Oh? Ano? Nag sorry ba yung lalake?" pagtatanong nya sa akin.

"Ahh....Oo Sissy. Nag sorry naman. Kaya lang umalis agad kaya hindi ko na sya nasagot. Nagmamadali daw," paliwanag ko sa kanya. Nakakainis...

"Ahh.... Eto nga pala mga pinamili mo. Naku Sissy yung iba nabasag eh," sabay abot sakin ng dalawang paper bag.

"Hayaan mo na Sissy, bibili na lang ulit ako ng bago," pero sayang naman to huhuhu. Kainis!!! Makita ko lang talaga ulit ang lalaking yun, nako! Uupakan ko talaga yon.

"Ano? Tara na sa loob ng mall?" pag aaya na nya sa akin.

"Sige. Tara na,"

Saka kami pumasok sa loob ng mall. Namili kami ng iba pa naming kakailangan sa pagpasok. Like bags and shoes. Naggagala pa kami at nagtitingin ng mga pwedeng mabili nang may umagaw ng atensyon ko. Isang human sized na teddy bear. Kaagad akong pumasok sa toy store na iyon at pinuntahan ang teddy bear.

"Sissy. Tingnan mo oh!! Ang cute!" sabi ko kay Sissy na sumunod sa akin.

"Oo nga Sissy!" pagsangayon nya.

"Gusto ko syang bilhin Sissy!"

"Go lang Sissy. Mag iikot lang ako dito ah? May nakita kasi akong pink cat stuff toy doon eh. Kita tayo sa counter," pamamaalam nya.

"Sige lang Sissy," sabi ko habang hinahawakan ang malambot na teddy bear na ito. Nakaalis na si Sissy nang may lumapit sa aking gwapong lalake.

"Hi miss!" bati nya nang makalapit sa akin pero hindi ko sya pinansin. "Do you like that teddy bear?" tanong na ikinataas ng kilay ko.

"Excuse me! Do I know you?" pagtataray ko sa kanya. Hello?? He's a stranger noh! Baka kung ano pang masamang pakay nito. Pero di naman halata kasi mukhang mayaman at gwapo itong lalaking ito. Bahagya syang natawa sa tinuran ko.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon