23: The Boy In The Park

535 33 14
                                    

A/N: Dobol kill!! Oky dhil nga mhal q kayo doble dobol oky?😘

Qs: tapos kna bah sa module mo?

Enjoy reading!💜
**

Angel's POV

Saturday morning. I woke up early para magjogging sa labas. Bumaba na ako galing sa kwarto. Wearing my dark purple sports bra and black leggings. Ready for jogging. This is my routine every weekend. Siguro pampaboost na rin ng energy and to stay fit.

It's six in the morning. Tulog pa siguro sina mommy.

Nadatnan ko si Manang na kalalabas lang ng kaniyang kwarto. Kagigising lang siguro dahil pupungas-pungas pa ang mata.

"Jogging?" tanong niya matapos pasadahan ng tingin ang aking suot.

Tumango ako.
"Ah opo. Balik po ako mamaya," nakangiting nagpaalam ako bago nagpatuloy sa paglabas.

Pagbukas ko ng pinto, saktong dating ng isang pamilyar na sasakyan sa labas ng gate namin. Sports car na blue. Sa kambal ito. Bakit nandito agad si Niks ng ganitong kaaga? Pinanood kong bumaba ang isa lalaki. It's not Niks.

It's Jaynold.

Bago pa man siya magdoorbell ay naglakad na ako palabas ng gate. Nakangiti niya akong pinagmasdang buksan ang gate.

"J-jaynold...," gulat kong ani. Anong ginagawa niya dito ng ganitong kaaga?

"Jogging?" tanong niya. Marahil ay napansin din ang suot ko. "Can I join you?" gulat lalo akong napatitig sa kanya. Pinasadahan ko ang kanyang suot. White sando and black jogging pants. Mag j-jogging din siya? Bakit dito pa siya dadayo?

"S-sure," kahit nagulat ay nagawa ko pang tumango. Nakakabigla ang biglaan niyang pagpunta dito.

"Let's go?" nakangiti niyang iginiya ang daan. Tumango ako. We did some stretching bago magsimulang tumakbo. Gustong-gusto ko ang amoy ng umaga. Napakaaliwalas.

Sumasabay siya sa pagtakbo ko. Medyo nahihiya na ako dahil nagsisimula na akong pawisan. But still, naguguluhan pa rin ako. Iimbitahan ba sana niya ako kanina para magjogging? Pero paano niya malalaman na nagj-jogging ako? Imposibleng coinsidence lang. At.. bakit naman niya maiisipang pumunta sa bahay ng ganong kaaga at sumama sa akin sa pagtakbo? Weird.

"Watch out!" napatigil ako sa pag iisip nang bigla siyang sumigaw at hatakin ako palapit sa kanya. Nasubsob ako sa kanyang matigas na dibdib. Nag angat ako ng tingin sa kaniya. Hinihingal siyang tumingin sa kaninang tinatakbuhan ko. "Are you hurt?" nagaalalang nagbaba siya ng tingin sa akin. Nang marealize ko ang posisyon namin ay kaagad din akong kumalas sa kanya. Crap! Pawisan ako!

"W-what happened?" nabibiglang tanong ko. Nawala ako sa ulirat!

"Muntik ka nang mabangga nung nagbibisikleta! Ayos ka lang ba?" hingal pa rin siyang pinasadahan ako ng tingin.

"O-oo s-salamat," agad akong napatingin sa sinasabi niyang nagbibisikleta. Nakatayo na siya ngayon habang kinukumpiska ang kaniyang bisikleta. Kaagad ko siyang nilapitan. "K-kuya ayos lang po ba kayo?" tanong ko nang makalapit.

"Ah oo. Hindi naman ako nasaktan dahil sa safety gear ko. Ikaw ba? Pasenya na ha. Hindi kasi maganda ang pagkakagawa ng preno ng bisekleta ko," paghingi niya ng dispensa.

"Sa susunod ho kasi manong, wag niyo nang gamitin ang bisikletang yan. Makadisgrasya pa ho kayo e," nagulat ako sa iniasta ni Jaynold. That's new.

"Wala po yon kuya. Ano po..," anong idudugtong ko? "Mag iingat po kayo," nasabi ko na lang sabay hawak sa kamay ni Jaynold para umalis na doon.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon