5: James The Pervert

596 32 0
                                    

Angel's POV

Pag angat ko nang tingin, agad na nakita ko si Nikko na mukhang nagulat din nung makita ako. Hindi ko tinanggap ang kamay nyang nakalahad at saka tumayo mag isa. Pinulot ko ang dalawang librong nabitawan ko nung mabangga ko sya. Gaya nang ginawa nya sakin noon, hindi ko sya pinansin at naglakad na palayo.

Kala nya ha. Bahala sya. Hindi ako magsosorry. Gaya ng ginawa nya. Well, nag sorry nga sya, pero wala yata sa plano nyang magsorry kung hindi ko sya hinabol. Kasalanan nya yun dahil hindi nya ako hinabol at pinag sorry. Kaagad kong narating ang tapat ng room. Buti na lang hindi naka lock iyon.

Pag bukas ko, tumambad sa akin si James na nakaupo sa upuan ko at naka yuko sa arm chair ko. Oo. Sa mismong armchair KO. Nakita ko naman ang Math book ko na nasa ibabaw ng armchair ko at nadadaganan nya.

Bakit ba sya nandito? Nakaupo pa sa armchair ko. Tulog ba sya?

"J-james... James...," paggising ko sa kanya habang tinatapik ang braso nya.

Nagulat ako nang bigla nyang hawakan ang kamay kong tumatapik sa kanya. Kaagad ko namang binawi ang kamay kong hawak nya. Tumuwid sya nang upo saka tumingin sa akin. Ayan na naman ang malagkit nyang tingin. Yung parang nambabastos? Dukutin ko kaya mata niya? Kanina pa to ah.

"Sabi ko na nga ba at babalik ka," saka itinaas ang Math book ko at ngumisi sa akin. May pangalan ko na nga pala iyon sa harapan ng book ko. Kaya pala nalaman nyang sakin yon.

"I-ibigay mo na lang sakin ang book ko at aalis na ako," sh*t! Bakit ba ako nauutal? Hoy selp, umayos ka nga.

"Aalis ka na agad?" nakangisi pa ring tanong nya habang naroon parin sa mga mata nya ang tinging malagkit. Tumayo naman sya. Sh*t! Ang tangkad nya. Malaki pati ang pangangatawan nya. Hindi ko napansin iyon kanina dahil nakaupo sya. Napalunok ako nang marahan syang lumalapit sa akin.

"A-anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ko. Wait, kinakabahan?Nubayan selp? Umayos ka.

Nang malapit na syang makalapit sa akin ay buong lakas ko syang itinulak. Bahagya naman syang napaatras sa ginawa ko.

"Wag ka na kaseng pakipot," nakangisi paring aniya. Pakipot? Ul*l nya! Sipain ko gitna nito eh. Tingnan ko lang kung magka anak ka pa. HAHAHA. Syempre naman, joki joki lang yun hihihi. Nakakaawa naman ang magiging anak niya pag nagkataon.

"Pakipot mo mukha mo! Hoy lalake!Hindi ako katulad ng ibang babaeng kaladkarin!" sigaw ko sa kanya. Napangisi naman sya.

"Sige. Isang halik, ibibigay ko sayo ang libro mo," nakangising sambit nya.

Napaisip naman ako, hmmn. Halik?HAHAHA.

"Iyan lang ba?" matamis na tanong ko. Ako naman ang ngumisi nang sabihin ko iyon. Bahagya syang napangiti nang sabihin ko iyon. Akala nya siya lang marunong maglaro? HAHAHA.

"Bakit? Gusto mo ba ng higit pa?" nakangiting aniya. Duh! Ayoko ko nga. Tanga ba sya? Matamis ang ngiting iginawad ko sa kaniya.

"Sabi ko na nga ba at nagpapakipot ka lang," nakangiti pa ring sabi niya. Pakipot mo mukha mo! Pwe!

Ngumiti na lang ako nang matamis. Hindi ako umiimik, bagkus ay dahan dahan akong lumapit sa kanya. Ang uto-uto namang James na to ay hindi umaalis sa tayo na tila hinihintay ang paglapit ko. Nang makalapit ako ay itinaas ko ang aking kanang kamay papunta sa pisngi nya. Pumikit naman si James na tila ninanamnam ang paghaplos ko sa mukha nya. Sinamantala ko ang sandaling nakapikit pa sya saka sya sinuntok sa mukha.

"Ah! Ughh!" sigaw nya nang masuntok ko sya. Kaagad syang tumumba sa ginawa ko. Nabitawan nya ang libro ko kaya kaagad ko itong dinampot.

"PERVERT!!" sigaw ko sa kanya.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon