48: They're Back

505 16 14
                                    

A/N: Hellloooo!!!! Bigyan ko muna kayo another mistery sa story hahahahaha overthink muna kayo, love you all!

Enjoy reading! God bless💜💜

-A

***

Angel's POV

"Mom, are you sure itutuloy niyo pa po ito?" tanong ko bago kami bumaba ng kotse. Nandito na kami sa parking lot ng school. Inihatid niya ako dahil na rin sa lakad niya dito. Susunduin na lang daw niya ako mamayang uwian.

"Yes."

Here we go again.

Bakit bigla na namang sumeryoso nang ganito si Mommy? Bago kami umalis sa bahay, she's okay naman. Nagbago na lang bigla ang mood niya.

Bumaba na kami ng kotse at tumuloy sa loob.

Habang naglalakad kami papuntang Dean's Office ay pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Nagtataka siguro ang iba kung bakit kasama ko si Mommy. Yung iba naman siguro, napanood na ang cctv footage kaya alam na ang dahilan kung bakit ko siya kasama. Sabi ni Sissy ay kumalat daw iyon.

"Dito po," tumigil kami sa isang pinto. Tiningnan ko siya na seryosong nakatingin sa pinto.

Seriously, what's with her? May hindi ba siya sinasabi sakin?

Hindi na kumatok si Mommy at binuksan na ang pinto. Pero pagkabukas niya ng pinto ay sabay kaming nagulat.

Agad din naman akong nakabawi sa pagkagulat at yumuko bilang pagbati.

Nandito din sa loob sina Mark, Nikko at Jay. Hindi lang sila kundi pati mga parents nila. Nandito din si Yvan pero wala ang magulang niya. Pumasok na pala sila ngayon.

Pero ang pinagtataka ko ay si Mommy. Hindi pa rin siya gumagalaw habang gulat na nakatingin sa mga taong narito sa office. Mas lalo akong nagtaka nang makita ang gulat ding tingin ng parents sa Mommy ko.

Anong meron? Magkakakilala ba sila?

"Mom, what's wrong?" mahinang puna ko kay Mommy.

Nakabukas ang pinto pero hindi pa kami pumapasok. Bumalik naman siya sa pagiging seryoso ulit. Pero this time, mararamdaman mo na ang coldness sa kaniya. Mas lalo siyang sumeryoso.

Hindi ko maiwasang pagtakhan. Sigurado akong may hindi sinasabi sa akin si Mommy.

"Elice....," si Tita Cecil ang unang bumasag ng katahimikan. Gulat siyang naka tingin kay Mommy bago ako sinulyapan ng tingin.

What?

Elice?

Anong Elice? Kilala niya ang Mommy ko?

Is that Mommy's nickname?

Rinig ko ang pagtikhim ni Mommy bago kami tumuloy sa loob. Mahinay kong isinarado ang pinto at sumunod kay Mommy.

Nagkatinginan na lang kaming lima nina Mark, Niks, Yvan at Jay. Kapwa kami nangangapa sa nangyayari.

"Cecil." tumingin si Mommy kay Tita Cecil at tila sinuri ang kabuuan nito.

Sumunod siyang tumingin kay Tita Jeyanna. "Anna." what? So magkakakilala nga sila.

Lumingon siya kay Tito Neon at mariin itong tiningnan. "Neon." madiing bigkas ni Mommy. At ano to? Bakit mukha siyang galit? She's emotionless but I can feel her anger. Why is that?

Napaiwas ng tingin si Tito Neon ganoon din si Tita Cecil. But Tita Jeyanna is looking at my Mom emotionless. It's like they're talking using eyes.

"We met again but I'm not pleased to meet you." Mom said coldly. Nagulat ako doon. She's not this. Hindi ganito makipagusap ang Mommy ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 17, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon