45: Safe

172 7 0
                                    

A/N: I'M BACK. Writer's block is real. Sobrangggg pasensya na po. Sana...sana lang talaga.. matapos ko itong storyang ito nang maayos.

Enjoy Reading! Godbless💜

-A

***

Yvan's POV

Kakatapos ko lang kumain kahit ayaw ko. I need to eat my pills for my fastest recovery. Masama pa rin kasi ang timpla ng tyan ko. Kumukulo siya pero hindi dahil sa gutom, masakit talaga.

Iinumin ko na sana ang gamot ko nang mag ring ang doorbell ko sa labas.

Kanina pa nakaalis sina Rayven ah?

Bumalik ulit?

I opened the door at halos mapatalon ako sa gulat nang makita ko si Angel sa labas ng gate.

She's here?

For real?

"Tititigan mo na lang ba ako?" puna niya. Hindi ko napansing matagal na akong nakatayo sa may pinto ko. At sya naman ay sa labas ng gate, naghihintay.

"Oh sorry," halos takbuhin ko na ang pagpunta ko sa gate. Nakakahiya naman dahil natulala pa ako.

"Be careful. Kakalabas mo pa lang ng hospital," pinatuloy ko siya at pinapasok sa loob.

"Maupo ka muna. Anong gusto mong kainin? Nauuhaw ka ba?" tanong ko. Natataranta ako dahil napabisita sya. Malinis kayang tingnan ang bahay ko?

"Huwag ka ng mag abala Yvan. Dumalaw lang talaga ako sayo. Huwag mo na akong asikasuhin pa. Kalalabas mo lang ng hospital tapos gagawa ka agad dito,"

I just hide my smile at naupo sa katapat niyang sofa. Bakit kaya siya napabisita? Siguro nakita niya ang post ko kanina.

She's very softhearted person. Hindi ko inaasahang pupunta siya dito dahil sa post ko.

"Sorry. Wala kasing ibang gagawa dito kundi ako," nahihiya kong sabi.

"Ikaw lang? Bakit? Nasan ang kasambahay mo?" takhang tanong niya.

"Nagkaemergency daw sa kanila eh. Isang linggo na siyang wala kaya hindi niya alam ang nangyari sakin. And you know, my parents are not here," I shrugged my shoulder. Hanggang ngayon ay hindi man lang nila ako nagagawang tawagan para kamustahin. But I'm still waiting.

"So, ikaw lang ang mag isa dito? Edi walang mag aalaga sayo dito?"

"Uhm, ganun na nga. Depende naman kung sasamahan mo ako rito para may mag alaga na sa akin," biro ko. Natatawa pa nga ako dahil alam kong aasarin niya ako.

"Okay lang naman sakin,"

Napatuwid ako ng upo sa naging sagot niya.

"S-seryoso ka ba? N-nagbibiro lang ako Angel. Kaya ko naman mag isa dito. I was just joking. I didn't mean it hahahaha," pilit na lang akong tumawa dahil mukhang seryoso siya sa sinabi niya.

"Hindi. Ano, okay lang naman sakin na samahan ka dito. Saka, alam ko namang kailangan mo ng mag aalaga sayo kasi hindi pa mabuti ang lagay mo. Wala ka ring ibang kasama rito kaya, ako na lang," marahang sabi niya.

Hindi ko na naitago ang ngiti ko at napatango na lang.

"Thank you,"

"Kumain ka na ba?"

"Oo,"

"Yung gamot mo? Nainom mo na ba?"

"Uh iinumin ko pa lang,"

"Ako na ang kukuha," sabi niya. Tatayo na sana ako para kuhanin ang gamot sa lamesa.

"Salamat,"

"Inumin mo na to nang makapagpahinga ka na sa kwarto mo," sabi niya sabay abot sa akin ng gamot.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon