10: Meet Again

508 29 0
                                    

Angel's POV

"Tss. It's you... again," malamig na sabi ni Nikko habang malamig na nakatitig sa akin. Napatulala na lamang ako sa kanya. OMG!! I can't believe it!!! Its him!!!?? Lumampas na lamang sya sa akin saka naglakad paalis. Sya... sya yun.

"Niks!!" pag tawag ko kay Nikko. Napatigil naman sya sa paglalakad. Dali dali naman akong lumapit sa kinaroroonan ni Nikko. Hindi ako pwedeng magkamali. Singsing ko yung hawak nya. Binigay ko yun sa kanya. Maluha luha akong lumapit sa harapan nya.

"Niks," mahinang sambit ko nang magkaharap na kami. Nagulat naman sya sa ginawa kong pagtawag sa kanya.

"B-bakit mo ako tinawag nang ganyan?" galit na tanong nya.

"I-ikaw ba yung batang yon? Ikaw ba si.. Niks?" naluluhang tanong ko sa kanya.

"Bakit!? Sino ka ba?! Sino ka para tawagin ako nang ganon!?" galit na namang sabi nya.

Kinuha ko sa bag ko ang isang maliit na kahon ng singsing. Binuksan ko iyon at ipinakita sa kanya ang singsing na superman. Lagi ko tong sinusuot nung bata ako. Pero hindi na kasya sakin to kaya itinago ko na lang. Ang galit nyang mga mata ay napalitan ng pagkagulat. Nagugulat na tiningnan naman nya ito saka tumingin sa akin. Sandali syang natigilan at muling tumitig sa singsing saka tumingin sa akin nang may halong pagkagulat.

"E-el?" nagugulat na tanong nya. Napangiti naman ako habang naluluha.

"Yess. It's me... El," tumatangong sabi ko. Nagulat ako sa biglaang pagyakap nya sa akin. Tuluyan nang bumagsak ang luha ko saka yumakap rin sa kanya. Hindi din nagtagal at bumitiw na sya sa pagkakayakap sa akin.

"I... I can't believe it!! Nahanap na rin kita Niks!!" natatawang sabi ko saka pinunasan ang luha sa aking mga mata. Ang saya ko. Nakita ko na rin si Niks. At hindi ako makapaniwalang si Nikko pala ito.

"H-hinanap mo ako?" hindi makapaniwalang tanong nya.

"Of coarse! Hinanap kita noon nung makabalik kami sa Spain 6 years ago. Pero wala ka na sa school kung saan tayo unang nagkita. Hindi ko alam ang pangalan mo kaya hindi kita nahanap noon. And then bumalik na kami ng Spain. Hindi na kita nakita," malungkot na kwento ko sa kanya. Tumango siya na parang hindi pa nag sisink in sa kaniya ang sinabi ko.

"Hinintay kita noon sa garden ng school kung saan tayo nagkita. Hindi ka dumating. Halos araw-araw akong pumupunta sa garden. Nagbabakasakaling makita ka. Hanggang sa lumipas ang 2 taon at wala ka pa din. Napag desisyunan ng parents ko na pumuntang America para doon ipagpatuloy ang pag aaral namin ng kambal ko which is si Jaynold. Nung mag 12 years old ako, umuwi na din kami sa Pilipinas. Nag aral kami ni Jaynold sa ABA na pag aari din namin. Doon din namin nakilala ang ang mga barkada namin. Sabay sabay na din kaming lumaki. Ipinahanap din kita kaso hindi ka nahanap. Hindi ko din alam ang totoong pangalan mo," natatawang kwento naman ni Niks.

"Hindi ako makapaniwala na ikaw na yan. Anlaki ng ipinagbago mo!" namamanghang sabi ko naman sa kanya.

"Yeah. Ikaw din naman. Hindi ko inakala na ikaw pala si El dahil sa mata mo," nakangiting ani ni Niks.

Napaiwas ako ng tingin.

"What happened to your eyes? It's blue, right? Why is it black now?" he asked, confused. Yes. My eyes are blue. Pero nagsusuot ako ng contact lenses para maging black ito. Hindi sa ayaw ko ng may asul akong mga mata. Pero kasi...

"It's a long story, Niks," nakangiting sabi ko sa kanya.

"Kaya hindi ko inakalang ikaw si El eh,"

Natawa na lang ako.

"Ikaw din naman Niks. Hindi ko inakalang ikaw yan. What happened to the shy and chubby Niks before?," pagbibiro ko.

"Well... part of the maturity," nakangiting wika niya.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon