21: Group Chat

504 33 25
                                    

(AN): Golat kayo noh? It's an another update Yayyyyy!!!!!!!! Sobra sobra po kasi akong natutuwa at nasisiyahan na mayroon pong tumatangkilik at nagbabasa ng storyang e2😊😊 Ganito po ako matuwa HAHA. Sobranggg Sayaaa talaga! And again.... Enjyoy Reading mga lahams q😚😘

-A

Angel's POV

"Stop staring at me," sinabi niya iyon nang pahinto-hinto habang nakapikit pa rin. Napatayo agad ako ng tuwid. At nang magmulat na siya ng kanyang mga mata ay lalo pa akong nagulat nang magtama ang mga tingin namin.

"H-hindi ah," agad na tanggi ko at saka nag iwas ng tingin. Hindi matagalan ang mga tingin niya. "I-i was going to invite you to eat because lunch is ready. And then I saw you... sleeping?" paliwanag ko naman. Hindi sigurado kung natutulog nga ba siya o ano. Sandaling katahimikan ang nagawi sa pagitan namin. Nang hindi matagalan ang tingin niya ay ako na rin agad ang umiwas.

"Tss." he sighed at saka tumayo at naunang magtungo sa kitchen. Napabuntong hininga na lang din ako at sumunod sa kanya.

Nang nakarating kami ay nakaupo na silang lahat. Napunta ako sa tabing upuan ni mommy at doon naupo. Samantalang si Rayven naman ay luminya sa mga kaibigan niya sa harap namin.

"So... let's eat?" pag aaya ni mommy na naging hudyat para magsimula na kaming magsikain.

"Ah Tita, asan po si Tito?" napatingin ako kay James nang magtanong siya.

"Ah hijo, nasa work pa siya ngayon. Binisita muna niya si Angel bago umalis kaninang umaga," sagot ni mommy.

"Ah ganun po ba," ngumiti naman si mommy sa kanya.

"So baby," sa akin naman tumingin si mommy. "Sinu-sino sa kanila ang mga manliligaw mo?" halos mailuwa ko ang nginunguya kong karne dahil sa tinanong ni mommy. Tumingin muna ako sa mga lalaki na natigil sa pagkain, halatang nagulat sa biglaang tanong ni mommy bago ako gulat na napabaling ng tingin kay mommy.

"M-mom a-ano po b-bang s-sinasabi niyo?" utal-utal kong tanong.

"Oh wait. Mali ba ang tanong ko? Hindi mo sila manliligaw?" tumango-tango naman ako. Kinuha ko ang juice ko at saka ako uminom. Ka intense!

"Kung ganon, isa na sa kanila ang nobyo mo?" nasamid ako sa aking iniinom. Dali-dali kong kinuha ang table napkin ko at ipinunas iyon sa bibig ko. May lumabas pang likido sa ilong ko! Narinig ko naman ang pasimpleng bungisngisan nina James, Warren at Yvan.

"By the way Mom, this is Nikko," turo at pakilala ko kay Niks para narin madivert ang kaninang usapan sa ibang topic.

"Oh your boyfriend?" gulat na naman akong napatingin kay Mommy. Kelan ba siya matatapos sa boyfriend topic na to?

"M-mom n-no," mahinang sabi ko sa kanya. "Wala po akong nobyo. M-mga kaibigan ko po sila," napa "oh" naman si Mommy.

"He's Niks Mom," nakangiti kong sabi kay mommy. "Yung batang pinapahanap ko po sa inyo noon mommy," napa "oh" na naman si mommy at gulat na napatingin kay Niks na nakangiti na sa kanya.

"Glad to meet you Hijo," saka siya tumayo at nakipagkamay kay Niks. Kung wala lang siguro kami sa harap ng hapag ay nakipagbeso na dito si mommy.

"Glad to meet you din po, Tita," nasabi ni Niks pagkaupo.

Ipinakilala ko din si Yvan. Siya na lang ang hindi pa nakikilala ni Mommy.

"Nice to meet you hijo,"

"Nice to meet you din po tita,"

"Mabuti naman at nahanap ka na ni baby," maya-mayang patukoy ni Mommy kay Niks.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon