17: First Time

564 33 10
                                    

Angel's POV

Tuesday morning. Kakatapos ko lamang magbihis ng aking uniporme at handa nang pumasok sa akademya.

Kagabi, napakasaya. Napakasarap sa pakiramdam na naenjoy ko ang ball. Bagaman may kaunting komplikasyon ngunit hindi non nahadlangan ang kasiyahan sa aking puso. Unang beses sa high school life ako dumalo sa ganoong pagdiriwang dito sa Pilipinas. Na ang inakala ko ay mauulit ang trahedyang naganap sa akin noon. Ngunit, nauwi sa masaya at masarap na pagdiriwang ang aking naramdaman.

Bumaba na ako at bumati sa aking mga magulang na kasalukuyang nakaupo sa hapag-kainan.

Maghahating-gabi na nang ihatid ako dito pabalik ni James. Gising pa si Mommy ngunit hindi na kami nakapagkwentuhan dala ng antok at pagod. Nagpramis akong kukuwentuhan ko siya ngayon kaya inihahanda ko na ang bibig ko. Lol.

"It was fun and enjoyable, Mom," sagot ko nang magtanong siya tungkol kagabi.

"It's nice to hear that you enjoyed last night, hija," sabi ni daddy habang umiinom ng kape.

Ikinuwento ko ang masasayang pangyayaring naranasan ko kagabi. At syempre, hindi ito buo dahil sa nangyaring komplikasyon kagabi. Hindi ko tuloy alam kung ano nang magiging pakikitungo ang ipapakita ko kay Rayven. Hindi naman big deal pero, iyon ang pumasok sa isip ko kagabi bago matulog.

Hindi rin nagtagal ang pagkukuwentuhan namin dahil kinailangan ko nang pumasok. Nagpaalam muna ako sa kanila bago umalis.

Sumakay na ako ng kotse at saka nagmaneho patungong akademya.

As usual, nasa may gate na naman si Sissy at hinihintay ako. Kaagad akong lumapit at nakipagbatian sa kanya.

"Omaygosh Sissy!! May utang ka pang chicka sakin kagabi!!," nagtititiling sabi niya. Naguusap kami habang naglalakad papunta sa aming silid.

Syempre. Inaasahan ko nang ito agad ang ibubungad niya sa akin. Si Sissy pa.

"Oo na oo na. Wag ka nang magsisisigaw Sissy. Para kang timang,"

"Hinihintay kaya kitang tumawag kagabi! Kaso naisip kong, baka nagpapahinga ka na kasi baka hindi ka nakahinga ng maayos sa eksena kagabi haha," panunukso ng bruhildang si Sissy.

"Shh. Sissy naman. Hinaan mo naman boses mo. Sinisira mo pagkatao ko e," nakangusong saad ko.

"Che! So ano na ngang chicka?" tanong niya.

"Anong chicka e nandun ka naman kagabi?" ewan ko ba dito kay Sissy. Nagtatanong pa e nandun naman siya kagabi.

"Idiot! I mean, anong naramdaman mo kagabi? Anong masasabi mo tungkol sa ball?" mataray na wika nito.

Maka Idiot naman to.

"Syempre masaya kase nawala yung trauma ko sa ganyan," I answered.

"Bukod don," eh ano pa ba?

"Wala na akong maisip e," pangangatwiran ko.

"Anong wala? Eh ano yung pa 'You owe me a dance' na salitaan ng Rayven mo?" hindi ko inaasahan ang sumunod niyang tanong kaya napatigil ako sa paglalakad. Tumingin ako sa kanya ng may nanlalaking mata dahil sa gulat. Paanong...

Paanong narinig niya iyon e sa pagkakatanda ko'y mahina lamang ang pagkakasabi non ni Rayven?

"Oo Sissy. Narinig ko. Baka nga hindi lang ako e," mas lalong nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ganoon na ba talaga kalakas ang pagkakasabi ni Rayven upang marinig niya ang huling katagang binitiwan ni Rayven bago umalis? Tsk. Posibleng narinig din ito ng mga kasamahan namin sa table at sa mga malapit sa amin kagabi.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon