6: Pag-iwas

562 38 0
                                    

Angel's POV

Nagdadrive na ako papuntang school ngayon. Hindi na ako nagpahatid kay Manong Caloy dahil gusto ko din namang magdrive papuntang school. Maaga akong nagising kanina. Naisip ko rin na iwasan na lang ang pitong yon. Para na rin maiwasan ang gulong dulot sa amin ng mean girls na nangharang samin noon.

Nakarating na ako sa parking lot ng Academy na ito. Ipinark ko ang purple lamborgini car ko sa tabi ng isang sports car na blue. Sa tingin ko kakadating lang din ng kotseng to. Buhay pa kasi ang ilaw sa unahang kotse eh. Kinuha ko na ang bag ko sa passengers seat saka bumaba. Inilolock ko ang kotse ko nang lumabas naman ang sakay ng kotseng blue. Nagulat ako nang lumabas roon sina Jaynold at Nikko. Hindi ko inaasahang sila ang sakay ng kotse. Naisipan kong umalis na lang kaagad don habang hindi pa nila ako napapansin. Huli na ako nang mapansin ako ni Jaynold. Narinig kong tinawag nya ako pero hindi na ako lumingon.

Dumeretso na ako sa papuntang room. Wala pa rin si Sissy. Nakita ko sina Mark at Warren na naguusap. Natigil sila sa paguusap nang makita ako. Tulad kanina, hindi ko sila pinansin at saka naupo sa upuan ni Sissy. Makikipagpalit na ako ng upuan kay Sissy para hindi ako makausap ni Mark. Ramdam ko pa din ang mga tingin nila kaya kinuha ko na lang ang Math book ko saka nagbasa ng mga formula. Naramdaman kong may umupo sa tabing upuan ko kaya napaangat ako ng tingin sa umupo. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang si Mark ito saka ibinalik sa libro ang paningin ko.

"Angel, iniiwasan mo ba kami?" seryosong tanong nya. Duh! Hindi ba halata!? Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Umiiwas ka nga," narinig ko ang bahagyang pagtawa nya nang sabihin yon. Hindi pa rin ako umiimik. Naramdaman ko naman ang pagtitig ni Mark sa akin. Kelan ba sya aalis sa upuan ni Sissy? Hindi ako makapagconcentrate eh. Maya-maya lang ay may narinig akong tumikhim. Laking pasasalamat ko nang makitang si Sissy ito. Kaagad namang bumalik si Mark sa upuan nya.

"Sissy, palit na tayo ng upuan," nakangiting sabi ko kay Sissy.

"Hmmn. Sige," ani nya saka naupo.

"Thanks Sissy!"

"Umiiwas ka sa kanila no?" bulong na tanong sa akun ni Sissy.

Bumuntong hininga ako.
"Oo, para na rin maiwasan yung gulong dala satin nung mga mean girls na nangharang satin kahapon," bulong ko sa kanya para hindi marinig nina Mark.

"Ganon? Hindi mo sila maiiwasan dahil nasa iisang campus lang lang kayo noh," bulong na naman nya sa akin.

"Kahit na. Gagawin ko ang lahat maiwasan lang sila. Gusto kong tahimik ang buhay ko. Ayaw ko ng magulo,"

"Bahala ka Sissy. Basta ako, magpapacute pa din ako kay baby James ko." sabi nya. Inikutan ko na lang siya ng mata. Talagang hindi na mawawala ang pagkahumaling nito sa manyak na yon.

"Bahala ka din pag nasaktan ka. HAHAHA," natatawang sabi ko sa kanya. Nagpatuloy lang kami sa pagkukuwentuhan ni Sissy nang biglang dumating ang lecturer namin.
*****
Natapos na namin ang pangumagang subjects at lunch break na. Nagyaya pa nga si Warren na sumabay kami sa kanila pero hindi ko sya pinansin. Buti na lang at sinabi ni Sissy na huwag na. Dumeretso agad kami ni Sissy sa canteen. Pagpasok pa lang namin, nakita ko agad sina Nikko, Jaynold, Yvan, at ang manyak na si James na nagkukuwentuhan sa mesa nila.

At sa kamalas malasang pagkakataon, madadaanan pa namin ang mesa nila papunta sa bakanteng mesa sa likuran nila. Napabuntong hininga na lamang ako saka nangunang naglakad kay Sissy. Habang naglalakad ako, naramdaman ko ang titig nilang apat sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin saka nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa marating na namin ang bakanteng mesa.

"Sissy, ako na ang oorder ng food. Ano palang gusto mo?" paalam ni Sissy.

"Sige Sissy. Yung katulad na lang ng sayo." saka sya umalis.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon