31: Past

330 25 2
                                    

A/N: 2000 years later... nag update na rin ako sa wakas. Bakasyon tayo so naisipan ko ring bigyan ng bakasyon characters natin hehe. Pahinga ba. Anyway, another chapter updated!! Maraming salamat sa mga patuloy pa ring nagbabasa ng storyang ito kahit paulaulaga. Maraming salamat.

Enjoy Reading! Gobless💜

-A

***

Jessy's POV

Naalimpungatan ako nang gumalaw si Sissy sa tabi ko. Tulog pa rin siya. Mukhang pagod. Sinubukan kong matulog ulit kaso nawala na ang antok ko. Bumangon na lang ako para maligo. Tumingin ako sa wall clock ng kwartong ito. 6:30 na pala ng gabi. Ang haba ng itinulog ko ah.

Napangiti na naman ako dahil naisip ko na namang magbabakasyon ako rito kasama si James. I mean, kasama ang G-boys at si Sissy.

Sa bakasyon naming ito ay nagbabalak akong umamin kay James na gusto ko siya. Napapansin ko ang kakaibang pakikitungo niya kay Sissy. But I know na dahil lang iyon sa malapit na magkaibigan ang parents nila. Hindi ko iyon binibigyan ng meaning dahil ayaw kong magselos. Kaya lang minsan, kapag nakakasobra si James sa pagiging clingy kay Sissy, hindi ko maiwasan. Ah basta. Aamin na ako kay James. Talagang gusto ko siya unang kita ko pa lang sa kaniya kahit na pinapalayo ako sa kaniya ni Sissy dahil manyak daw. Nagbago naman na si James kaya lalo ko siyang nagustuhan.

Hindi ako tanga para hindi mapansing nagkakagusto ang mga nakapaligid na lalaki kay Sissy. Lahat sila ay napapansin ko. Kaso si Sissy itong manhid eh. Wala akong magawa.

Napagdesisyunan ko nang maligo muna bago ko gisingin si Sissy. Kahit hindi niya sabihin, alam kong puyat siya kasi maagang nagising dahil nasobrahan sa excite. Sus, si Sissy pa eh kabisado ko na yan. Kaya lang kelangan ko pa rin siyang bantayan dahil baka umatake na naman ang traumatic niyang pag iisip.

Pumasok na ako sa cr para maligo. Nang makatapos ako ay hindi ko na kailangan pang gisingin si Sissy dahil nakabangon na rin siya at kumukuha ng damit sa maleta.

"Hi Sissy, napahaba pala ang tulog ko," sabi niya habang pumipili ng damit.

"Ako din Sissy eh. Maligo ka na at lalabas na tayo," magbibihis din ako.

Tumango siya at pumasok na sa cr. Kumpleto naman ang kagamitan doon kaya hindi na ako namroblema.

Summer dress ang suot ko habang nakapaloob ang two piece suit sa loob na suot ko. Sabi kasi ni James kanina magj- jacuzzi kami sa likod ng rest house. Jacuzzi daw muna ang unahin namin dahil malamig ngayong gabi. Tamang tama daw para magjacuzzi. Para na rin kay Sissy kasi paniguradong siya lang ang hindi pupunta sa dagat bukas para maglangoy.

Nagboblower ako ng buhok ko nang lumabas si Sissy. Suot niya ay purple swimming shorts at purple din na one piece bra na nakatali sa leeg niya ang lace. Hayy ano bang aasahan kay Sissy eh purple queen yan. Sus sanay na ako. Infairness ang ganda ah. Talbog ang beauty ko.

"Nice suit Sissy," puri ko.

Napangiti naman siya. "Salamat. Sayo din," kinuha niya ang puting jacket niya sa maleta at sinuot para hindi siya malamigan mamaya paglabas namin. Kinuha ko naman ang kulay dilaw kong balabal na terno ng floral summer dress ko. Perfect.

"Tara na," aya ko sa kaniya at lumabas na kami.

Pagdating namin doon ay agad nila kaming pinuri lalo na si Sissy dahil type nila eh haha. Sa pagandahan mas angat talaga si Sissy eh. 

Maganda dito. Malawak ang jacuzzi pero hanggang tuhod lang daw ang lalim niyon sabi ni James kay Sissy. Nagkalat ang mga rose petals at humahalimuyak ang bango niyon. Pinapalibutan din ito ng mangilan-ngilang kandila. May isa ring mini pool dito. Hula ko para sa mga lalaki iyon. Sa hindi naman kalayuan ay naroon ang dinner buffet. Romantic feels. Bagay na bagay at malamig ngayong gabi. Wala naman kasi kaming ibang gagawin doon kundi ang umupo at damhin ang maligamgam na tubig sa aming katawan.

The Seven Boys And ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon